Missing Peace

in philippines •  6 years ago 

Naranasan mo na ba ang minsan maramdaman na parang may kulang sayo. Yung gusto mo maging masaya pero minsan natatakot ka. Yung gusto mo gawin lahat ng gusto mo pero hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Nakakalito, nakakapraning, halo-halo ang nararamdaman mo but still hindi ka pa rin makompleto.
Minsan napapatanong ako, bakit hindi ako masaya?? Bakit hindi ko makuhang tumawa? Para kang nakakadena na pilit kumakawala pero hindi pa rin makalaya. Yung pilit mong sinasambit na masaya ako, dapat masaya ako, pero alam mo sa loob mo na hindi ka pa rin masaya.
Bakit ganun? Bakit may mga pagkakataon na kailangan pa natin maramdaman ang pagiging empty? Bakit kailangan may missing peace sa buhay natin? Parang puzzle, puzzle na kailangan buuhin, pagdikit dikitin at hanapin ang bawat missing peace nito para makompleto. Puzzle na kahit gaano kagulo alam mo pa ring mabubuo. Sabi ni doc. Jose rizal "don't try to figure me out, I am a puzzle with a missing peace." Ikaw anu ang missing peace mo??IMG_20180621_124735.JPG

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!