Isulat Mo Malay Mo Makapagpabago ka ng Pananaw ng Iba : Kilalanin si John Ver o @itsmejayvee

in philippines •  7 years ago  (edited)

Olodi_JV_2.jpg

Para mas lalo nating makilala ang mga awtor o bahagi ng tambayan ni Toto sa discord ay naisip namin ni Junjun na magkaroon sila ng hiwalay na artikulo at ito ay tatawagin naming Olodi ng Tambayan na kung saan sa mga unang bahagi ay sila ay na nominate ng mga kasamahan sa tambayan. Ngagyong linggo ating kilalanin ang isa sa mga hugoterong makata na mahilig sa Spoken Word Poetry na nagtatago sa username na @itsmejayvee Kamakailan lang ay nagwagi muli siya sa patimpalak ang #kwentongnanay kung saan ang kaniyang gantimpala ay 2.50 SBD. Ang kaniyang likha na laminated at isang bag.

Pangalan : John Ver U. Pitao

Nickname : Jay vee, JV, Hapon

Lugar : Bagong Silang Caloocan city

Impluwensiya sa pagsusulat : Emosyon, Inspirasyon at mga natatanging karanasan. isama na din sila JUAN MIGUEL SEVERO, Kuya @tpkidkai at @tagalogtrail

Genre ng sulatin : tula, Spoken poetry at kwento

Paboritong kulay : Asul

Paboritong pagkain : Adobong manok na maanghang

Paboritong inumin : TROPICANA yung dalawang litro tsaka naghahanap ako ng yakult ISANG LITRO MERON KAYO

Paboritong hayop : Aso minsan ako

Kung magiging hayop ka, ano ito at bakit? : AGILA, gusto kong maramdaman ang paglipad sa sariling pakpak

Paboritong superhero : Iron man astig kase lalo ngayon sa infinity war nano tech na sya diba.

Paboritong musika : Tunog kalye at mga tugtugin sa pagsayaw. yung boom boom boom! tapos mga sayawan ng KINJAZ YEAH !

Paboritong puntahan kapag summer : Beach at bundok kaso alaws budget kulong kwarto tas kalsada lang( ganda kaya ng view ng tapat namin)

Paboritong puntahan kapag tag-ulan : sa kwarto ko malamig kase

**Kung isasapelikula ang buhay mo, sino ang gusto mong gumanap? : **Si Empoy dahil isa sya sa paborito ko :)

Ano’ng pamagat ng pelikula ng buhay mo?: AMOY KITA yung literal talaga ang gusto kong pamagat. AMOY KITA

Paboritong flavor ng sorbetes : ROCKY ROAD ! DONT BE ROAD( masarap yun kase maraming mani yey !)

Paboritong cartoon character : MONKEY D. LUFFY although ANIME SYA !

Kung makakapunta ka saan mang panig ng mundo, saan ito at bakit? : sa GREECE gusto kong malaman ang historic background nila ng personal.

Pangarap na trabaho : SEAMAN na nasa barko kaso gusto ng diyos na ,nag titser ako kaya eto haha

Paboritong libangan : MAKIPAGKWENTUHAN SA MGA TAO hanggang mainis sila.

Magbanggit ng isang bagay na kinaiinisan mo : yung napkin na may laman SO EWWWWWWWW !!! yYAAAAAAAKKK !

Pinaka-kakaibang pagkain na natikman : CARBONARA ! ( nasusuka ako pagkakain ako nun)
Magbanggit ng isang normal na bagay na wirdo sa pananaw mo : yung pagkain ng ibang tao sa CARBONARA

Gusto mong matulad ang buhay mo kay : buhay ni PEKTO

Pinakaunang ginagawa mo sa umaga : TUTULALA

Lugar na pinaka-ayaw mong mapuntahan : Palengke

Paboritong gulay : sitaw

Paboritong prutas : mangga at melon

Magbigay ng isang sitwasyon na kinatatakutan mo :yung dumating yung panahon na hindi na ko lalaki 5'2 lang kaya ako :(

Magbigay ng isang bagay na kinaaadikan mo : manuod ng one piece episode 5x ko nang inuulit mula episode 1 to 400

Larangan na gusto mong sumikat : sa pagsasayaw tas makaksayaw ko yung KINJAZ yey !

Pinaka-ayaw mong trabaho : yung nakupo lang sa opisina

Pinakamasakit na salita na kaya mong bitawan : POGI AKO, SAKIN NAGMANA NG KAGWAPUHAN SILA JAMES REID AT DANIEL PADILLA

Magbanggit ng isang bagay na pinapangarap mo : maging isang sikat na dancer ( HINDI SA CLUB) at teacher sa sikat na paaralan.

Menasahe sa kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas : SANA MAPANSIN ANG MALIIT NA TAO SA LIPUNAN ( UMAY GHAAD A HET DRAGS PAPATAY KUH YAN!)

Larangan na masasabi mong hindi mo kaya : PAG AWIT

Kung magkakaroon ka ng tindahan, ano ibebenta mo at bakit? : bigas dahil ito ang pangunahing kailangan ng tao ( TRY NYO TUBIG )

Gamit sa makabagong teknolohiya na gusto mong magkaroon : elektic fan na ay yelo sa likod

Paboritong iluto : sinigang, adobo, menudo, sarsyadong isda

Kung mapapadpad ka sa isang isla, magbigay ng isang bagay na kailangang-kailangan mo : TUBIG

Kung tatakbo ka sa eleksyon, ano ang slogan mo? : WAG MAHIHIYANG MAGTANONG KUNG SI JAY VEE BA ITO?

Magbigay ng isang produkto na gusto mong gawan ng patalastas : PH CARE YUNG CHILI FLAVOR

Pambihirang talento na kaya mong gawin : SUMAYAW NG APAT NA ORAS PARA SA GIVE A GIFT.

Kinatatakutan na costume kapag halloween : ung mga nakaputi tas wasak ang mukha

Paksa na pwede mong ituro : math science values mapeh

Paboritong suotin : kahit anung damit basta presko

Bansa na nais sakupin : Japan ( papatigil ko mga kalokohan nila)

Kung magiging superhero ka, anong kapangyarihan ang nais mo? :yung kapangyarihan ni luffy at iron man( robot na nagbebend ang katawan astig diba)

Pangyayari sa nakaraan na gusto mong balikan : yung pag aaral ko sa college na kaya ko naman palang taasan yung mga grades ko sadlayp !

Award na gustong mapanalunan : maging maayos lang sa paningin niya okay na.

Mensahe sa mga nais magsulat

Sa mga nais magsulat ng tula, kwento at kahit anu pang nais niyong ibahagi wag kayong mahihiyang ilabas yan. Ang pagsusulat ng isang piyesa ay hindi nadadaan kung iilan lamang ang nakakaalam. tulad ko kung hindi dahil kay kuya @tpkidkai hindi ko madidiskubre na maari pala akong gumawa pa ng iba. Siya ang nagbigay sakin ng daan para makilala ko si @tagalogtrail. Naibahagi ko ang mga tula ko na nuon ko pa ginawa at di ko naisip na maaari ko pa lang ipagmalaki to. Noon basta mamention lang ako ng idolo kong si GEGE sa spoken poetry masaya na ko pero nung binahagi ko dito ang dameng nagsabe na magaling ako na kahit kelan hindi ko naisip na magaling ako. Nakagawa din ako ng isang kwento at hindi ko inaasahang kakayanin kong tapusin ang napakagandang kwentong nasimulan ng mga kagrupo ko. Sa ngayon nagkaroon ako ng lakas ng loob at nalaman ko na maaari pa pala akong makagawa ng ibang bagay bukod sa pagtuturo. kaya

IKAW KUNG MAY NAITATAGO KANG PAKIRAMDAM ISULAT MO MALAY MO MAKAPAGPABAGO KA NG PANANAW NG IBA

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nabasa ko na to kagabi pa @itsmejayvee nahiya nalang akong mag comment pero I think you really deserve the title on being the Lodi ng Linggo talaga. You did really well on wrapping up the story.
Thanks for the mention that really mean a lot though I am not sure on what I am doing hahah.

Haha malaki natulong mo aakin kuya sobra

Salamat sa impormasyon na ito na iyong hinatid kabayan, ako ay natutuwa sa mga binitiwang mong salita at ito ay nagbigay inspirasyon sa akin na lalo kong pag igihan ang pagsusulat ng tula. Minsan kasi wlang pumpansin sa mga ngawa kong tula,peru dahil dtu nagkaroon uli ako ng gana n sumulat ng tula..Maraming salamat kabayan!
Pabasa po ng tula ko at bka mgustuhan nyu po;
https://steemit.com/tagalog-poetry/@blessedsteemer/kapayapaan-pangarap-ka-lang-ba-tulang-tagalog

Salamat din po .. mahusay din po ang pagkakagawa ng iyong tula. Sana makahawa pa tayo ng paggawa sa iba :)

Salamat po ng marami!😊 at ito po yung tula ko din para sa nanay nung mothers day.😊
https://steemit.com/ulog/@blessedsteemer/my-ulog-9-a-tagalog-poetry-for-loving-mother-happy-mothers-day-to-all-mothers-in-the-world

Kuya toh @tagalogtrail haha bakit ko ba nasabe yan.
Haha salamat po ng marame sayo sobra :) sa nga pakontest mo minsan paglumaki laki amg ipon ko dto magbabahagi din ako :)

panes! may banner congrats bro kahit lagi mong binabanggit si @tpkidkai.. kahit magka usap tayo thru messanger sya lagi nasasambit mo. erk..

hahahaha . char.. proud of kuya. mwah

Haha wag na maselos ate ikaw lang mahal ko hahahahah

Napakahanep na project @tagalogtrail. Upvoted and Resteemed!

Salamat @jassennessaj! Malaking maitutulong ng resteem mo para mas makilala at mas maipamahagi ang kwento ng aming OLODI ngayong Linggo na si @itsmejayvee

Uyyy titser ka rin pala, @itsmejayvee. 😄
Congrats sa pagiging olodi last week! Deserve na deserve mo ang spot! Binigyan mo ng magandang wakas ang ating kwento kaya mabuhay! 🎉😊

Ang daming titser pala dito. Hahaha grabe sana ituro din sa school kung paano magmahal para wala nang nasasaktan.

( Si Toto ako trying to be Junjun)

Hahahah. Isa 'yan sa subject na itinuturo ko dati, Toto. Charot 😂

Hahahha pero sana may special course sa school. Paano ba mag move-on. Ay dahil dyan may naisip na naman akong contest tuloy! Bwahhaha

Sana nga meron. Kasi kung meron, baka bumalik ulit ako sa pagtuturo tapos 'yan ang subject ko. Hahahhaha
Parang may ideya na ako sa pa-contest na 'yan. 😁

Nyahahaha nako makakapag handa siya agad.
Kailangan ibahin ang topic! Potato Chips!

Hindi pa rin ako makakapaghanda, Toto. Masyado na akong abala ngayon kaya i-push mo na lang 'yan. Hehehhehe

Ay any update dun sa libro project @jemzem? Pa message naman ng bahagya sa discord :)

Kahit wala namanh course toto @tagalogtrail kayang isingit yung mga ganun :) minsa nga nirerealtalk ko na mga bata na walabg ginawa kundi magboyfriend e

Junior highschool teacher ka, JV?
Pwedeng-pwede naman talagang isingit lalo't lablayp na talaga inaatupag ng karamihan sa mga estudyante.

Opo ate @jemzem hehe grade 8 lastyear now naman is grade 9 ang hawakan ko :)

Nakakalagas ng buhok ang ganyang edad na iha-handle lalo na talaga yung grade 10. Jusko. 😅
Pero sisiw na naman 'yan sa 'yo kasi passion mo talagang magturo. 😊

Hehe yun ang kagustuhan nung nasa itaas e .. ang magturo ako at humipo ng buhay ng ibang tao

At noblest profession nga naman talaga ang pagtuturo kaya humaganga ako sa mga passion talaga ang pagtuturo. 😊

Kahit minsan nkakapagod na dahil sa stress at pressure

Ayy naku, sang-ayon talaga ako dyan.Damang-dama ko 'yan kaya nga na-realize kong hindi para sa akin ang pagtuturo e. 😅
Kaya saludo talaga ako sa mga guro.

Minsan dumadating din ako sa point na ayoko na pero naisip ko lang anu pa bang kaya ko kundi ang magturo. Haha d ko nakikita ang sarili ko sa ibang larangan pero sa pagtuturo napakalawak haha

Same doon sa mga dating kasamahan ko. Kaya mabuhay ang mga guro! 😄

balik ka na sa tagalogserye @itsmejayvie