Hindi Mo Lang Alam

in philippines •  7 years ago 

Humarap siya sa salamin at tinignan maigi ang kaniyang mukha.Mababanaag mo ang mga guhit malapit sa talukap ng mga mata. Tanda ito ng mga gabing hindi siya makatulog nang mahimbing dahil sa mga kaniyang alalahanin. Ang dating makinis na kutis , ay napalitan ng isang mukhang panay kulubot at dumi. Hindi narin makintab ang kaniyang mga buhok, kung ano ito ng siya ay magising ay ganun parin ito sa kaniyang pagtulog.

Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang at sinambit

Hay... bagong araw na naman. Bagong luma...

Tinanaw ng reyna ang kaniyang nasasakupan at nakita ang maduming lababo. Hindi na niya nagawang harapin ang maruruming kasangkapan dahil sa pagod ng maghapong paglalaba kahapon.

Umpisahan na natin ng nakakarami

Wika niya sa sarili habang inaanlawan muna ang mga plato sa mumunting palanggana. Matapos anlawan ay kinuha niya ang scotchbrite na mayroong foam, pinatakan ng kaunting joy na kinanaw sa tubig at inumpisahan na ang paghuhgas ng kasangkapan.

Buti pa sila nalilinis ng maayos. Ako kaya kailan? Kailan kaya ulit ako makakabisita sa mga parlor at spa ang tagal na rin. Tapos ngayon ang panget ko na

Habang nagmumuni-muni at nagdadrama ang reyna ay syang labas naman ng kaniyang hari at pupungas-pungas.

Hon.. May almusal na ba?

Abalang-abala ang reyna sa kaniyang ginagawa kaya't hindi niya narinig ang sinabi ng kaniyang hari kaya't medyo nilakasan nya ulit ang kaniyang sabi.

Hon... may almusal na ba?

Sa lakas ng kaniyang wika ito ay parang naging pasigaw. Hindi ito ang intensyon ng hari ngunit naging iba ang dating sa kaniyang reyna kaya ito ay sumagot.

Aba! kakagising mo lang tapos almusal agad ang hanap mo? Magaling! Ni mag good morning man lang sa akin hindi mo ginawa almusal agad! Hindi ko hawak ang kaldero. Magsaing at magluto ka dyan hindi yung laging ako nalang dito.

Teka nagtatanong lang naman ako kung may almusal na at "oo" at "hindi" lang naman ang dapat sagot bakit mo ako kailangan bulyawan.

Ay ewan ko sa iyo! Lahat nalang inasa mo sa akin dito sa bahay.

Hay nako bahala ka na dyan ang liit na bagay pinalalaki mo makaalis nalang at makapagtrabaho na

Ganyan ka naman! Diyan ka magaling kapag kinakausap ka aalisan mo ako sige doon ka na mag-almusal sa magaling mong kabet! Mas maganda yun at mas mabango pero ang higit sa lahat hindi losyang!

Umalis ang hari na masama ang loob sa kaniyang reyna. Hindi na niya narinig ang huling linyang binitawan nito. Kumakalam ang kaniyang sikmura, kailangan niya itong punuan ng marami dahil sa bigat ng kaniyang trabaho. Isa siyang construction worker sa isang itinatayong condo sa malapit. Binibisikleta nya lamang ang byahe papunta at pauwi sa construction site para makatipid tamang-tama kakabukas palang ng jolly-jeep may mainit na kanin at sabaw ng batchoy tagalog siyang mabibili. Ngumiti siya sa serbidora at umorder ng pagkain dito niya pinuno ang kaniyang sikmurang walang laman dahil sa nangyari kinaumagahan.

Magiliw ang serbidora, pinagsilbihan niya ang hari ng may sukling ngiti rin. Kinamusta niya dahil sa napasin niya na gutom na gutom ito na wari mong isang batang hindi makausap dahil sa pagka abala sa paglamon. Dito nakuwento ng hari ang nangyaring pambubulyaw ng reyna sa kaniya na agad namang ikinalungkot din ng serbidora. Dahil dito dinagdagan niya ng kanin at sabaw ng hari at winika na sagot na nya ang extra rice at free soup.

Sa palasyo ng hari at reyna

Matapos ang kanilang umaatikabong sagutan ay natapos naring maghugas ng plato ang reyna. Naupo siyang sandali upang magpahinga at matapos ang ilang minuto ay tinignan ang kaldero, wala na palang kanin. Tinignan nya ang balde na kung saan naroon ang bigas, wala na pala halos itong laman. Tinakal nalang siya ang natitirang bigas sa lumang lata ng gatas at sinumulan na ang pagsasaing.



Ayan balik na ulit ako sa pagsusulat ng serye. Grabe na adik ako sa #tagalogserye kaya di ako makagawa ng sarili kong kwento ngayon. Ang tema ng kwento ngayon ay patungkol sa mga bagay-bagay na akala natin ay mababaw lang sa una pero pag iyong hinimay ay may mga pinaghuhugutan na mas malalim pala. Kaya ang naisip kong pamagat ay "Hindi mo lang alam"

Wala pa akong maisip na pangalan ng mga karakter sa ngayon kaya't reyna at hari muna.


Pinagkunan ng larawan

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

@therealwolf 's created platform smartsteem scammed my post this morning (mothersday) that was supposed to be for an Abused Childrens Charity. Dude literally stole from abused children that don't have mothers ... on mothersday.

https://steemit.com/steemit/@prometheusrisen/beware-of-smartsteem-scam