10 KUMAINMENTS

in pilipinas •  7 years ago  (edited)

Magandang araw sa inyong lahat
Nais ko pong ibahagi sa inyo itong aking pananaw tungkol sa 10 KUMAINMENTS .

          10 KUMAINMENTS

FD9B5266-C1A4-4F6F-A12E-0465A4C7AC8F.jpeg

Panatilihing malusog ang ating katawan:
Ito’y isang paalala para sa ating lahat.

1.Kumain ng iba’t-ibang uri ng pagkain.
Sapagkat ang karamihan sa atin,ay mga nakaugaliang pagkain nalamang ang kinakain.
Para sa akin, mas gusto kong tumikim ng iba’t ibang klaseng pagkain, at kapag ito’y aking nagustohan ito’y aking kinukuhanan ng litrato at aking inaalam ang sangkap ng mga ito upang aking maipaluto sa kasambahay namin.
Maliban sa pagkaing Pinoy, Chinese, Korean ,Japanese ,Thai at iba pa.. Madalas din akong kumain ng mga iba’t ibang klase ng pagkain kapag ako’y namamasyal sa ibang bansa.

2.Sa unang 6 months ni Baby, Breastfeeding lamang mula 6 months, bigyan din siya ng ibang angkop ng pagkain.
Iyo ay paalala sa mga inang bagong nanganak na mas masustansya ang gatas galling sa kanya kaysa bumili ng gatas na galling sa baka.

3.Kumain ng gulay at prutas araw araw..
Kumain ng gulay at prutas araw araw upang tumibay ang ating pangangatawan.Ang gulay at prutas ay mayaman sa bitamina, mineral at fiber na siyang nakakatulong sa tamang pagbawas natin araw araw.

4.Kumain ng isda,karne at ibang pagkaing may protina.
Ang isda at karne ay makakapagbigay dagdag ng protina sa ating katawan.
Iwasan ding kumain ng lubos ng matataba o mamantikang pagkain sapagkat ito’y hindi nakakatulong sa ating kalusugan.

5.Uminom ng gatas,kumain ng pagkaing mayaman sa Calcium.
Bata man o matanda ay kailangang ugalihing uminom ng gatas araw araw ,sapagkat ito’y nakakatulong sa pagpapatibay ng ating mga buto at nagbibigay sigla sa ating katawan.

6.Tiyaking malinis at ligtas ang ating pagkain at tubig.
Mas mainam na kumain ng pagkain at uminom ng tubig na galling sa ating bahay, sapagkat ito’y tiyak na malinis at ligtas.
May mga taong maselan kumain ng mga pagkaing nabibili o nanggagaling sa labas.
Ang pag-inom ng tubig na madumi ay nagdudulot ng sakit na Amebiasis.
Sa aking pananaw mas mainam magdala ng sariling lagayan ng tubig kaysa bumibli sa labas na plastic,sapagkat ang tubig na nakalagay sa plastic ay hindi natin siguradong malinis at ligtas na inumin,
Kung maaari, ugalihin natin ang uminum ng maraming tubig araw araw upang malinisan maigi ang mga toxin sa katawan.

7.Gumamit ng Iodized Salt
May kamahalan man ang pag gamit ng iodized salt ngunit nakakasigurado naman na malinis at ligtas sa ating kalusugan.

8.Hinay hinay sa maalat, mamantika at matatamis.
Iwasan din nating kumain ng “junk food” o “tsitserysa”..
Kadalasan lalo na mga kabataan ngayon,softdrinks, icetea at milktea ang lagi nilang nakaugalihang inumin araw araw .
Ang lubos na pagkain ng mga maalat, mamantika at matatamis na pagkain ay nagdudulot ng mga iba‘t ibang uri ng sakit tulad ng: UTI, kidney stone, gallbladder stone, diabetes, liver cirrhosis.
Uminom ng maraming tubig araw araw,kung maari uminum ng higit sa 3 liro isang araw ,

9.Panatilihin ang tamang timbang
Panatilihing ang tamang timbang ayon sa tamang edad ng tao.

10.Maging aktibo,iwasan ang alak at huwag manigarilyo.
Ugaliin natin ang mag ehersisyo araw araw,, iwasan ang pag inom ng alak at huwag manigarilyo.
Kung maari tayo ay mabilang sa palakasan upang ang katawan natin ay may ehersisyo.

Itong larawan na ito ay kinunan ko sa Batenes,Pilipinas gamit ang aking iphone 5
72DE9245-48E5-47D8-A6DA-060561EA8AA7.jpeg
Maraming Salamat sa oras ninyo..
Pagpalain kayo ng Ating Diyos na Maykapal
Ako po si Catherine Tan a.k.a @catietan
E9AEF511-BBF4-435A-A078-B86462EB4D5B.jpeg

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box
72DF44E6-EF82-4B28-A729-EF3B8D4E1B02.png
(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
81AD0710-AB03-4333-94F0-75A5519501D3.png
(Logo by @bloghound)

E9965E65-9D5C-411D-AC84-428B2D847814.jpeg
(logo by @jhunbaniqued

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!