Dala ng Hell Week...

in pilipinas •  7 years ago 

Panahon na naman ng hellweek sa state U which means, ubusan na naman ng Kopiko 78 sa mga suking tindahan kasi yan best friend ng mga tao pag puyatan. Puno na naman ang Mcdo ng mga estudyanteng nag-aaral para sa final exams. Nakakamiss naman talaga maging estudyante pero mygad ang hirap?! Anyway, hanga nako sa mga may time isingit ang love life nila in between acads, tulog, and then again, more acads.

Here's a short version of a poem I wrote in my creative writing class about hell week. Wag kayo mag-expect na maganda hahaha gusto ko lang i-share dahil milestone ko na 'to noon kasi di naman ako creative writer :( The poems were from my anthology as a final project sa isa sa major subjects ko noong graduating ako. Feel ko dito palang mahuhulaan niyo na yung pinaka-inspiration ko sa collectin na 'to. Lol. So ayon na nga. Tama na ang chika.

Let's start with this:

Kopiko 78

Isang linggo, straight, perfect week
Gabi-gabi ikaw ang kasama
Genus, family, scientific names
Kabisado ng utak ko pati,
Iyang mga linya
Sa iyong mukha na hindi nagdadamot
Sa mga joke ko kahit corny.

Buhay sa sandaling iyon
Gising sa tamang hindi pwede
Hanggang doon lang
Magkatapat, nagdidikit ang mga tuhod,
Nagbabangga ang mga tsinelas
Dinadama ang lamig sa loob ng Mcdo.

end

Nainspire kasi ako sa mga pasimpleng landi ng mga estudyante habang hell week. Pasimple lang habang all-nighter daw sa Mcdo diba, insert Bimbs Oh my God I remember so many people, except me HAHAHA Dahil never ako nag-aral magdamag, di ko kaya i-sacrifice sleep. I need at least 5 hrs of sleep every night to keep my Zen self. Totoo po 'yan lol di na rin nakakapagtaka na mabababa talaga grades ko. I stopped being a GC student when I was a sophomore kasi that's when I realized I can't balance being an outstanding student and being a chill/sometimes-fun person. Okay naman sakin kasi kahit papano nabawasan yung pagiging awkward ko as a person char haha

Pero iba-iba naman kasi tayo. Basta wag lang pabayaan ang sarili !

32708077_2120937721301758_3169011069251223552_n.jpg

Here's another poem. Ginawa ko naman 'to dahil sa pagpapalpitate at anxiety na naramdaman ko sa kaka-kape. At sa kakaisip kung gagraduate ba ko on time haha Pero hinaluan ko na rin ng konting landi. Kasi as I was reading this, It felt like I am writing about this person who is afraid of love? feelings? Not sure. Let me know kung anong interpretation niyo sa tula haha

Mga Tunog ng Takot

May tao sa labas ng bahay
Balot ng takot ang tao sa loob
Tugtog na kumakaripas sa bawat pagtawag
Lagabog ng nagpupumilit pumasok

Balot ng takot ang tao sa loob
Nakayupyop sa sulok
Lagabog ng nagpupumilit pumasok
Nakatakip ang tainga, hindi umiimik

Nakayupyop sa sulok
Nanahimik ang paligid nang saglit
Nakatakip ang tainga, hindi umiimik
Malambing mahinahon ang narinig

Nanahimik ang paligid saglit
Humupa ang tunog ng kaba
Malambing, mababaw ang narinig
Dinama ang ritmo,nakakatakot na higit.

end

Kung mapapansin niyo pala may pattern na naganap haha di ko alam tawag or may tawag ba yan. Sorry Prof, Sorry. HAHAHA

Kaniya-kaniyang trip lang kung paano mo siya isusulat. Tingnan mo nga yung sakin, ipinasa naman diba haha Kasi genuine naman yung intention ko. Galing 'yan sa puso. Chos. Hindi mo naman kelangan gumamit ng malalalim na words, pero kung magaling ka magmanipulate ng salita, edi good job 'sayo meims haha

Personally, mas magiging madali kung malaya yung tula na gagawin mo. Pero fun din na exercise yung may patterns. Pwede mo rin gawin yan paminsan-minsan. Ikaw, kung ano trip mo.

So ayon. 'Til my next post!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @cbbriones731! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

Click here to view your Board

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @cbbriones731! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!