Matagal nang panahon nung huli akong nagsulat ng aking talata. Ngunit ngayong araw na ito ay bubuksan ko ang aking mundo dahil sa isang sensitibong bagay na nangyari sa akin kaninang umaga. Kasama ang ilang mga magulang na naghihintay sa paglabas ng aming mga anak mula sa pinapasukan nilang "playschool" , ay di sinasadya narinig ko ang isang magulang na nagsabi na ang anak niya ay sa speech lang daw ang problema. Sabi niya sa kausap niyang matanda, "normal naman po ang anak ko".
Naisip ko lang kung ano nga ba ang konsepto ng pagiging normal ng isang bata? o ng isang tao. Iyon ba iyong nakakasabay ka sa development ng ibang mga bata na kaedaran mo. E paano iyong katulad ng aking anak na hindi nakakasabay pero buong tapang niyang kinakaya na makasabay sa kanila? isa ba ang anak ko sa tinutukoy niyang hindi normal? Emosyonal talaga ako pagdating sa ganitong bagay.
So as you do not know, my daughter is in the spectrum. ASD. Autism Spectrum Disorder. Ano ba ang ASD? Sa punto de vista ko bilang isang magulang at isang ABA practitioner, sila ang mga bata na kailangan ng kalinga unang una na ng kanilang mga magulang at pag-unawa sa mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi sila abnormal . Nagkataon lang na ang mga kakayanan nila base sa edad at development nila ay hindi sakto sa average na developmet ng isang karaniwang bata . Sila yung mga bata na may pinagdadaanan sa buhay nila. Maswerte ka kasi hindi ka katulad nila. O siguro mas maswerte sila kasi iba ang pananaw nila sa mundo. Minsan nasabunutan anak ko sa school, wala lang sa kanya. Nasugatan kasi natalisod dahil sa nagkalat na laruan. Wala lang sa kanya. Tuloy lang ang laro. Nasaktan kaya siya? Bakit mas ako ata ang nasaktan?
Kung nasa klase sila ng mga batang abnormal edi sana dapat ung PWD ay PWA na. Person with Abnormality! Sana mas madame pang mga magulang ang maging aware sa mga binibitawan nilang salita. Wala akong isyu sa nanay na nagsabi nun. Ang punto niya ay nakatutok sa anak niya. Na ang anak niya ay normal, nagka speech delay for some medical reasons. Ang punto ko dito, ay ano ba ang isyu ng pagiging normal. Normal din ang anak ko, ganyan ang paulit ulit kong sasabihin na katulad ng karaniwang nanay na ang pinakamalaking kasiyahan sa buhay ay ang kanilang anak.
Congratulations @chito13! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes received
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
this is awesome!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit