PAYO

in pilipinas •  6 years ago  (edited)

images.png

Pinagkukunan ng Imahe


Hindi lahat ng sakit kayang lunasan, ang paghilom sa puso na nasaktan at sugatan ay minsan ilang buwan hanggang taon ang binibilang.

Minsan pa nga, ang iba gusto na lang habang buhay mapag-isa. Pero matanong lang? naka move-on na ba sila nyan? o nasasaktan parin at sinasarili na lang.

Hindi naman lahat ng kwento ng pag-ibig sa hiwalayan napunta, karamihan nga mula simula hanggang sa huling hininga sila'y magkasama kasi ganun nila kamahal ang isa't isa.

Hindi rin naman lahat ng kwento kagaya sa'yo, at pwede mo pang baguhin ang kwento ng buhay mo kung hayaan mo lang patibukin muli ang puso mo sa taong mahal kang totoo, antay ka lang! darating sya, pangako.

Normal lang ang masaktan, pero kailangan kang bumangon muli at ipagpatuloy ang laban. Labanan na di mo ikamamatay kung ikaw ay iiwan kasi marami pa dyang iba! na mas higit pa sa kanya.

Pre! Ang pusong sugatan ay pwede pang gamutin, patibukin kung ito'y iyong muling pagbigyan at hayaan.

Oo! Marami kang dadaanan para sya'y kalimutan, pero diba mas lalo kang masasaktan kung nakakulong sya sa'yong puso't isipan?

Kaya nga tinatawag na
"Move On"
eh, para di ka muling mahagip ng rumaragasang nakaraan kaya wag ka nang tutonganga lang.

Ang importante ikaw ay natuto sa nakaraan at kung sakaling ika'y muling masaktan, iinom na lang natin yan pre, at tutulungan ka naming makabangon at makahanap ng matino at mapagmahal na babae.
Kaysa magpakatanga ka uli at umiiyak dyan sa tabi...kaya ngiti ka pre andito lang kami.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!