Steemitserye: Dear Jennybeans -- Love On Line (One Shot)

in pilipinas •  7 years ago  (edited)

Ang pag-ibig ko sa kanya ay parang ulan, kaya niyang iwasan pero hindi niya kayang pigilan. Boom! Hahaha. Ang pag-ibig ay napakamahiwaga. Maaari kang tamaan nito sa panahong hindi mo inaasahan at sa taong pinaka least mong ini-expect na magmamahal sayo at tatanggapin ka ng buong buo. Yung tipo bang mamahalin niya ang mga imperfections mo na ikaw nga mismo sa sarili mo ay di mo matanggap. Oo Jennybeans, natagpuan ko ang aking "the one" at masaya ako na nakilala ko siya.


images-10.jpg

Pinagkunan

Dear Jennybeans,

Ako si Cassandra, 25 anyos at tubong Davao. Gusto kong ibahagi sayo ang aking buhay pag-ibig. Simulan natin nung panahong ako'y nag-aaral pa sa ADDU ng kursong Business Management. Alam mo ba Jennybeans di naman ako kagandahan. Oo, maputi at chinita pero iba naman yung maputi't chinita sa maganda. Sabi ng mga kaibigan ko na maganda raw ako pero di ako naniniwala. Inaamin ko wala akong self confidence at hindi ko maiwasang magselos sa mga kaibigan kong happy ang love life. Ewan ko nga Jennybeans kung anong meron sa kanila na wala sa akin. May mga naging nobyo naman ako pero hindi talaga nagtatagal. Pag Valentine's Day nga ay di ako pumapasok sa school at nag m-malling na lang. Alam niyo naman sa college kanya-kanyang pakulo ang mga guys. May nag d-dance mob sa hallway sabay abot ng bouquet of roses sa nobya nila yung iba naman ay nanghaharana talaga sa loob ng classroom. Nung time na yun ay bitter talaga ako pero iniisip ko na lang na dapat akong mag pokus sa pag-aaral at yun ang ginawa ko. Doon ko binuhos lahat ng atensyon ko.

3742e68931f1517b42224888eb76c213.jpg

Pinagkunan

Isang araw habang nag f-facebook ako ay may biglang nag message sa akin. Lalaki at pogi pero di ko ni reply-an kasi baka poser at gumamit lang ng photo sa internet. Tyaka di ko rin talaga hilig ang magbasa ng message sa facebook at alam ko naman after 2 to 3 messages ay titigil na yan gaya ng mga nag m-message din sa akin before na karamihan ay taga ibang bansa rin. Pero itong isang to ay makulit eh halos araw-araw ay may pa-inbox sa akin kaya ni-replyan ko nga. Hanggang sa di ko namamalayan nagiging part na pala ng routine ko ang makipag-chikahan sa kanya. Inistalk ko rin yong account niya at mukhang legit naman na siya yung nasa mga larawan kaso di pa rin ako naniniwala eh.

Marami kaming nalamang mga bagay-bagay tungkol sa isa't isa. Gaya na lamang ng hindi pala siya marunong mag bike kasi nagkaroon siya ng phobia. Noong 9 years old pa lang kasi siya ay naaksidente siya habang nag e-ensayong mag bike kasama ang papa niya. Magmula non ay di naniya sinubukan pang muli. Ang mga whereabouts rin niya ay parati niyang sinasabi sa akin at maging ang aso niya ngang si Crocodillo ay nakilala ko. Marami kaming katangian at gusto na halos magkapareha. Mabait siya at ang saya niya lang kausap parang walang dull moments. Lumipas ang isa't kalahating taon ay sinabi niya sa akin na kung pwede ba daw na mag video call kami dahil gusto niya daw akong makita. Pumayag naman ako kasi gusto ko ring i-confirm kung siya ba talaga yong nasa picture kasi parang artista ehh at nung nag video call na kami.

images-9.jpg

Pinagkunan

Ay, siyang siya nga at nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang nakaramdam yon Jennybeans marahil siguro'y nahihiya ako dahil sa kagwapuhan niya. Mexicano eh pero nag-aaral siya ng medisina sa Barcelona. Mula noong nag video call kami ay di na ako muling nag-message pa sa kanya kahit na constant siyang nag m-message sa akin at nagtatanong kung bakit di na ako sumasagot. Dinedma ko na lang talaga siya. After 5 months naman ay tumigil na siya sa pangungulit. Nag pokus na lang ako sa trabaho ko. Oo nag tatrabaho na ako dahil tapos na ako sa aking pag-aaral. Nagpaka-busy ako.

engagement-ring-2093824_1280.jpg

Pinagkunan

Two years later ay bigla na lamang nag flash ang post ni Luis sa news feed ko. Masaya siya at suot-suot ang kanyang doctor's suit. Naging doktor na pala siya. Pero ang pumukaw sa aking atensyon ay ang singsing na hawak niya. Isang engagement ring. Hindi ko alam pero parang nalungkot ako at bigla na lamang tumulo ang mga luha ko sa di malamang kadahilanan. Nabasa ko ang mga comments na sabi "Felicidades" galing sa mga kapamilya't kaibigan niya. Kaya di ko rin napigilan ang sarili kong mag type ng "Congratulations Luis. I'm happy for you :)" Pero alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga yon ang nasa kalooban ko. Makalipas ang dalawang oras ay nag message siya sa akin at sabi niya

Thank you Cassandra. Me and my fiancée were planning to go to the Philippines this summer for a vacation. Can we meet you there?

Aba di ko alam ang i re-reply ko kaya inabot ako ng mga 10 minuto bago sumagot.

Yeah. But I'm in Cebu right now. Are you sure you can make it? Its quite far from Manila.

No worries. I really wanted to see you. So that means see you in 2 weeks time?

Yes Luis.

aircraft-1362586_1280.jpg

Pinagkunan

At dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw na makikita ko na siya ng personal kasama ang fiancée niya. Sa totoo lang Jennybeans, maaga akong dumating sa airport at naghintay sa kanila. Nang dumating na ang eroplanong sinasakyan nila ay mas kinabahan pa ako. Para akong naiihi na natatae. Ay ewan ang hirap i-explain.

Isa isa nang nagsipagbabaan ang mga pasaherong lulan ng eroplano at ako naman sa front talaga pumwesto at may dala dala pang placard na may pangalan niya para naman malaman niyang ako yung ka chat niya.

a97c511e87445df3803bc87ec23f7349--international-airport-gong-yoo.jpg

Pinagkunan

Biglang tumigil ang mundo ng lumabas ang isang lalaking sobrang gwapo. Malayo pa lang ay kinwayan na niya ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nang makalapit na siya'y abot tenga ang kanyang ngiti. Tinanong ko siya kung nasan ang fiancée niya kasi siya lang mag-isa ang bumaba sa eroplano at natigilan talaga ako sa sinagot niya.

Oh my fiancée! Well, she's in front of me

Tumingin ako sa likuran ko kasi baka di ko lang napansin na dumaan pero wala eh. Tumawa siya at sinabing,

*Who are you looking for? My fiancée is you Cassandra and I've been waiting for this day to finally slid this ring on your finger."
Bigla siyang lumuhod.

people-2604784_1280.jpg

Pinagkunan

Miss Cassandra, will you marry me?
Pumayag na ako Jennybeans kasi alam ko naman sa sarili kong mahal ko siya at sapat na yon para pakasalan ko siya. Ramdam ko rin na mahal niya ako.

Umuwi ako ng Davao na kasama siya at ipinakilala ko sa pamilya ko. Halos 5 months din siyang nag stay sa amin bago bumalik sa Barcelona. At next year ay susunod na ako sa kanya dun inaasikaso ko pa kasi ang visa ko. Doon kami magpapakasal at aaminin ko, excited na ako. This is it pancit hehehe.

Hanggang dito na lang Jennybeans.

Nagmamahal,

Cassandra



Maraming medium na inilaan sa atin ang Panginoon para makilala at makasama natin ang taong inilaan niya para sa atin. Maniwala lang tayo sa magic ng pag-ibig. :)

P.S Wag nyo hong seseryosohin ang mga pinagsasabi ko rito lalo na ang mga advices na ibinibigay ko kasi puro kalokohan lang ito. :)



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif

InShot_20180404_000456458.jpg

JENNYBEANS-1.gif


Maraming Salamat sa Pagbisita

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Wow kaloka..galing akala ko oots.beeshh😀..sakit pero sa bandang huli hindi ko inaakala ..kinikilig ako..hahahahha..salamat sis @jennybeans 😀💞👍