Ako'y nagsimulang maglakbay upang samahan si @shikika sa pagtungo sa dako paroon. Walang nakakaalam kung saan ito ngunit ako'y sumama upang madiskubre kung paano nga ba makapunta roon.
Sa aking paglalakbay aking nasilayan ang isang bulaklak. Ang pangalan ng bulaklak na ito ay Rafflesia Irigaense. Ang Rafflesia ay isang uri ng parasitikong halamang namumulaklak. Ang bulaklak na ito ay ang isa sa sikat sa bundok na ito.
Ang bundok na ito ay tinatawag na Mt. Asog. Maganda ito sa malayuan, ngunit kapag ito'y iyong nilapitan makikita ang pangit na katotohanang unti-unting nakakalbo ang bundok na ito. Ito ang resulta ng pagkakaingin at walang pakundangang pagpuputol ng mga punongkahoy.
Marahil ito ang dahilan kung bakit madalas na ang pagbaha sa baba ng kabundukan. Madalas na din ang pagguho ng mga lupa. Nakakaawang inang kalikasan. Nakakaawa ang susunod na henerasyon kung hindi ito aaksyunan at pangangalagaan. Napakalungkot na sa kabila ng lahat, may mga tao pa ding bumababoy sa ating mahal na kalikasan.
Habang ako'y naglalakad-lakad at tinitingnan kung gaano na kalaki ang pinsala na nagawa ng mga tao, aking nadaanan ang grupo ng kabataan. Kabataang may dala-dalang munting punongkahoy. Aking tinanong, " Neng, saan kayo pupunta? At bakit may dala kayong mga punongkahoy?" Ang sagot sa akin, " Nakikita nyo po ba ang ating kabundukan? Unti- unti nang nasisira, nagdudulot ng pagbaha at ang mga lupa'y gumuguho sa kadahilanang wala ng makapitan na ugat ang lupa. Gagawin namin ito upang malunasan na kaagad ang problemang kinakaharap ng ating bayan. Kami'y magtatanim ng mga punongkahoy, kapalit ng mga pinutol nila." Ako'y nagalak sa aking narinig, sa kanilang murang isip ito'y kanila ng nabatid. Mga kabataang may malasakit ang kailangan ng ating Inang Kalikasan.
Sa paghahanap sa Dako Paroon iyong makikita ang kagandahan ng ating Mundo, ngunit iyo ding makikita ang problemang dulot ng tao sa ating kalikasan. Nakakalungkot na sa kabila ng lahat na ibinigay sa atin ng Inang Kalikasan, nasisira at napapabayaan pa din ito. Kaya dapat pangalagaan bago pa mahuli ang lahat. Ating mga anak ang sya rin naman magmamana.
Ang mga larawang nakalakip ay kuha sa aking mahal na bayan Iriga City, Camarines Sur. Marahil ay unti-unti na ring nagigising ang namamahala sa aming bayan dahil sa pagbabaha at landslide na nararanasan ng mga mamamayan. May ibang grupo na nagsasagawa na din ng proyektong pagtatanim ng mga punongkahoy.
Tara! Ating samahan ang paglalakbay ni @shikika papunta sa dako paroon. Nauna nang sumama sa paglalakbay sina @sunnylife, @jennybeans, at si @yennarido.
Evony
@lunamystica
April 23, 2018
I would like to thank @iwrite for mentoring me and for his patience. I am very blessed and thankful to have him as my mentor. To my @steemitdiversify family thank you for all the support.
Please cast your vote for @surpassinggoogle as a witness. Visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" in the first search box.
To give him your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arcange @jerrybanfield @jesta @anomadsoul @henry-gant and @paradise-found
Will be waiting for the leaders in your area to clean up the mess the people who meddle with the nature and have a strict rules to implement in preserving the nature!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
They are starting to do some actions. Some member of the LGU's and other groups in our City is currently implementing tree planting activities.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ang bilis mo namang gumawa sis
waaaaa
naiwan na ako sa paglalakbay
hehehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hehe, pwede ka pa din namang humabol sis.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
we also have that flower here but I have not seen one personally
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Nakakita na q ng flower na yan maam in person,hehe, nung minsan maghike at mag tree planting kami. And hindi sya mabango, some compared it to the rotten human body.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
yup they say it smells bad but looks beautiful parang durian kaya? lol
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase
https://
3. Type
re
Get Featured Instantly & Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by lunamystica from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
huy. we are female community.so beautyfull dear.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Galing naman na sa murang isipan alam na nila na kailngan i protect ang kalikasan ,napakagandang halimbawa...😊salamat sa pagbahagi ..nag iipon lang ako ng lakas sis para makasama ako sa inyo nila sus@shikika,@sunnylife @jenny beans @yennarido sa paglalakbay sa dako paroon!!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hihintayin ka namin sis na makasama sa aming paglalakbay. Oo nga habang maaga pa kelangan ng aksyunan ang problema sa ating kalikasan para may maabutan pa ang mga bagong henerasyon.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Samahan mo na rin kami @reginecruz. 😀
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sis @lunamystica salamat at iyong pinaunlakan ang aking paanyaya na sumama sa paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀 Kay sarap sa mga mata na makita ang kagandahan ng ating Inang kalikasan. Ang nakakalungkot lang marami sa atin ang umaabuso dito. Buti na lamang meron pang mga tao na may pagpapahalaga sa Inang Kalikasan.
Nawa'y matauhan na ang madla at magmalasakit sa Inang Kalikasan na unti-unting nawawala ang likas na kagandahan. Salamat @lunamystica. Baon namin ang iyong mga paalala kahit saan man kami dalhin ng aming paglalakbay. Naging makabuluhan ang patungo sa dako pa roon. 😀
Salamat saiyo.. Kami ay napadpad na napakaganda mong bayan Iriga City, Camarines Sur.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat din @shikika. Sa pagpunta natin sa dako paroon nadidiskubre natin ang iba't ibang lugar na pinagmulan ng mga sumasali.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You got a 1.52% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!
Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat @lunamystica sa aming masayang paglalakbay patungo pa roon sa layu naming nilakbay at ngayon dinala mo kami sa lugar na to..at balang araw sana mabigyan itong pansin ,ang ating kalikasan kailangn nating bigyang halaga tulad ng ating sarili at ako'y lubos na nagpapasalamat na dinala mo kami sa lugar na to....napaka gandang tanawin subalit nakakalungot pagmasdan makita ang mga nakaraang nangyari..😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat din @yennarido. Oo nga, sana maaksyunan agad ang problemang ito,kasi kawawa naman ang mga tao na nakakaranas ng baha. Hindi lang sa aking bayan pati na din sa ibang mga bayan na nakakaranas ng mga ito. Sana maging responsable na ang mga tao, sana mas pangalagaan pa nila ang ating inang kalikasan.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
So true sis. Every time I hike I always see mountains that are ruined because of illegal logging. It takes years to have this big trees bit only 10minutes or so to cut them down. It really makes me sad every time I see the damage in nature. But we must see the good in bad and embrace change. I really pray for the day to come that our Mother Earth can regain its beauty.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Oo nga sis, karamihan na sa bundok natin ganyan na ang nangyayari. Sana may mga tao pa na madagdag sa mga taos pusong nag aalaga sa ating inang kalikasan.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Meron naman sis kaso mas madami kasi yun sumisira :(
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
So sad to know all about our nature...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit