Nawawalang Bangkay

in pilipinas •  6 years ago  (edited)

image.png


Naniniwala ka ba na ang isang bangkay ay maaaring mawala sa kanyang ataul ? na maaari itong tumayo at lumakad magisa? na maaari itong kuhanin ng isang demonyo?

Pamahiin

  • Pilipinas. Ang isang bangkay na hindi binabantayan ay naglalakad magisa

Ang kwentong ito ay hango sa tunay na pangyayari

April 2, huling gabi ng lamay ng tatay nang kababata ko na si Joseph, Namatay ang tatay niya dahil sa isang malubhang sakit, dahil sa Cancer

Nasa likod lang kami ng bahay at naghahanda para sa libing ng tatay ni Joseph kinabukasan, konti pa lang ang tao dahil ala sais pa lang iyon ng gabi. Habang nasa likod kami ng bahay at nagaasikaso para sa libing kinabukasan ang iba ay naglalaro ng baraha sa harap. Natural na ang mga naglalaro ng baraha sa lamay upang pampa tanggal ng antok at paglilibang.

Si Joseph at ang mga kapatid nya ay abala sa mga dumarating na bisita, at ako naman ay tumutulong sa mga pagkain na ihahanda sa kanila.

May kalakihan ang bahay nina Joseph, at gaya ng tipikal na lamay naghanda sila ng tent na magbibigay silong sa mga nakikiramay kung sakaling umulan. Habang ang ataul naman ay nasa loob ng bahay nila.

Nakarinig ang lahat ng isang malakas na sigaw mula sa loob ng bahay, nagulat ang lahat dahil sa sigaw na narinig nila kaya mabilis na pumasok ang mga bisita. Sa loob ay nakita namin na ang nanay ni Joseph ay nakaluhod sa sahig at iyak ng iyak.

Agad na lumapit sina Joseph sa kanilang ina na takot na takot. Nanginginig sa takot ang nanay ni Joseph at wala nang nagawa kundi ang ituro na lang ang ataul nang kanilang ama.

Laking gulat din ni Joseph ng lumapit siya sa ataul, wala na ang bangkay ng tatay nila. Maging ang mga nakikiramay ay walang ideya kung paano nawala ang bangkay sa loob ng ataul.

May isang matandang nakikiramay ang lumapit sa nanay ni Joseph at sinabi na ang dahilan ng pagkawala ng bangkay ng asawa nito ay dahil sa walang nagbabantay. Ayon sa matanda, ang bangkay ay umalis o kinuha ng demonyo dahil sa walang pumapansin dito.

Sina Joseph ay lungkot ang naramdaman dahil sa pagkawala ng bangkay ng kanilang ama, pero kami na mga nakiramay ay takot ang nararamdaman. Takot n baka magpakita ang bangkay o kaluluwa nito.

Marami ang umuwi makalipas ang ilang oras, pero nagpaiwan ako. Tumulong ako sa paghahanap ng bangkay sa buong bahay pero wala talagang bangkay na nakita. Dahil sa pagkawala ng bangkay, hindi na itinuloy ang libing.

Makalipas lamang ang ilang araw ay nabalitaan ko na lang na lumipat na ng bahay sina Joseph. Ito ay dahil hindi sila pinapatahimik ng kaluluwa ng kanilang ama, ayon sa kanila gabi-gabi ay nagpapakita ang ama nya sa kanila. Idagdag pa na ito umano ay nagpakita sa kanilang ina at nag anyong demonyo.

Makalipas ang dalawang taon, April 2 namatay ang nanay ni Joseph dahil sa atake sa puso. Ayon sa mga kwento ni Joseph, ang madalas na pagpapakita at pananakot ng ama ni Joseph sa kanilang ina ang dahilan ng pagkamatay nito


Lahat ng mga larawan na ginamit sa kwentong ito ay nagmula sa internet, pero inyong maaasahan na lahat ng kwento ay hango sa totoong buhay at mga pangyayari na nagmula sa Pilipinas
Ang @spookyphstory ay hindi kinukuha ang lahat ng kredito sa bawat kwento, nagkataon lang na ang mga nagpadala ay ninanais na maitago ang pagkakakilanlan

image.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @spookyphstory! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

The Steem blockchain survived its first virus plague!
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!