Kumulog, Kumidlat...Bubuhos Kaya Ang Ulan?

in pilipinas •  6 years ago 

"Ayan na ang ulan, mukhang babagyo na! Sisilong ba tayo o magpapaulan?
Mukhang hindi naman malakas, mukhang ambon lang naman
Ayokong mabasa, ayokong maligo at magpalit ng damit
Uwi na tayo ayokong malamigan."

Kumulog, kumidlat, tumakbo ka ng mabilis at mas mabilis
Ngunit malayo pa ang bahay para makasilong
Puro kagubatan at mga kakahuyan lang ang nasa kapaligirin
Kumulog ulit ng napa kalakas, parang magigiba ang langit.

Takbo! Hinigingal ka sa ginawang mong lakad at takbo
Pero ng malapit ka na sa bahay ay hindi naman umulan
Makulimlim lang ang ulap at mukhang nanadya lang
Nakahinga ka ng maluwag dahil akala mo ay bubuhos ang malakas na ulan.

Parang buhay natin mga kaibigan, minsan akala natin
Ang bagyong paparating ay napakalas, mga ulan na hindi mo inaasahan
Mga probemang dumadating na akala mo wala ng katapusan
Ginising ka lang pala ng Amang nasa langit para sabihin sayo...

Na hindi lahat ng problemang dumarating a buhay mo at dapat mong takbuhan
Lumakad ka, at huwag ka munang sumilong, hindi naman lahat ng suliranin sa buhay
Ay nakakalunod kundi ito ay tanging aral lamang
Sya ang may remote control kung gusto nyang patilain ang ulan.

Huwag mong sukuan kahit anong pagsubok yan
Minsan mas mabuting mabasa sa ulan
Para maranasan mo ang mga bagay na magpapalago sa yong katauhan
Dahil sabi nga, lahat ng pagsubok ay malalampasan
Dalangin sa Maykapal at tatag ng loob ay iyong kailangan.

Huwag mag reklamo kung walang agad kasagutan, bagkus magpasalamat
Lahat tayo ay may kanya kanyang krus na pasan sa buhay
Ang mga problema ay naglakas ng iyong pananampalataya
Lahat ng ito ay isang pagsubok lang......

Keep shining everyone.

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't voted your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife in the Steemian Forest


This post was made from https://ulogs.org

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

gaya ng linyang ito ng kanta minsan pa ulan bumuhos ka wag ng tumigil pa ang sumulat nito ay pawang sanay na sanay na sa pagsubok at wala ng iniinda kaya gusto nya umulan at wag ng tumigil pa...dahil ang pagsubok ay parte na ng ating buhay. Habang tayo'y humihinga, masusubok at masusubok tayo. gaya nga ng sabi mo sa tulang ito sis, wag takbuhan ang problema, harapin natin ito, subukan nating maligo din sa ulan pag may time para maramdaman natin ang lamig ng panahon. Hindi tayo bibigyan or susubukin ng Diyos kung alam Niyang hindi natin kakayanin. Parang dito sa amin sa Pinas sis di ba? ang aming bansa ay nakadisenyo na parang stop over ng mga bagyo. Ngunit alam ng Diyos kung hanggang ilang bagyo lang ang kakayanin ng Pinas kaya nagpapasalamat ako, kaming lahat dito na wala ng ulan ngayong araw. Ayoko namang kumanta ng kantang minsan pa ulan bumuhos ka wag ng tumigil pa kasi marami pang mga labahan ang hindi napapatuyo. bwhahahaha at isa pa ako'y certified sintunado bka magsibalikan mga bagyong umalis na sabihin nila may nakalimutan kami bwhahahaha fall in line na naman sila naku,....

ay grabe sis nawendang ako sa comment mo panalo na to!
isang post na blog na sis:):) agree ako sau sis totoo lahat ng cnabi mo
bute wala ng ulan dyan sa inyo, stay safe lagi lalo na mga kable kuryente wag maligo sa ulan:)
natawa naman ako don sis nde yan uulan pag kumanta ka, kaya gora lang hehehe
ikaw na tlga hugot queen! pak na pak! God bless always sis.

bwahahahhaha sis naman natawa ako sa comment na blog hahahaha :-D
psensya na napahaba bwhahahaha :-D

  ·  6 years ago (edited)

Sanay na ako sa lahat na klase ng bagyo. Takot ako sa Lindol at gyera ano ba katumbas nun 😁

Posted using Partiko Android

ako den sis same here:)
wag namanlindol at gyera hehe ibang level na yan hehe
sis join ka sa @gratefulvibes curation trail check mo yang act na yan.
salamat sa dalaw :) stay beautiful

Sa unos na dumarating sa ating buhay ay pagsubok lamang upang maging matatag tayo sa buhay.
Mabuhay tayo sis!

mabuhay rock n roll tayo sis!
yeahhh hehehe

ang galing sakto sa panahon hehe..nice poem :)

salamat sis. laban lang tau laban:)

Korek sis..Balanse lang talaga ang buhay naten minsan malungkot,minsan masaya ,minsan mahirap,minsan hayahay importante tuloy lang ang buhay..

Tama ka dyan Sis.. ang ulan ng buhay ay hinaharap at hindi tinatakbuhan.. ito ay pagsubok lamang ng Diyos upang tayo ay mas lalong maging matatag ..

tama sis. mga pagsubok ay lilipas din
Morning sau sis aga mo nagising:)

Yah ... the more we have problem .. more faith.. more closer to God

amen sis.
gnight na sis naabutan mo ulet ako hehe

  ·  6 years ago (edited)

Hehehe Goodnight
God bless

This comment was made from https://ulogs.org