Kabataan: Noon At Ngayon

in pilipinas •  6 years ago 

"Bawat bata saating mundo, ay may pangalan, may karapatan", isang linya lamang iyan ng kanta kung saan iminumungkahi ang kahalagahan at kaligayahan ng pagiging isang bata. Ikaw ay makakaramdam ng kalayaan kung ikaw ay bata. Ay mundo ay parang isang laruang trumpo lamang na pinaiikot mo sa iyong mga palad. Bilang isang bata, karapatan mong mamuhay ng payapa at makapaglaro upang ma enjoy mo ang iyong pagiging bata.

Noong tayo ay mga bata pa lamang ay nakasanayan na natin ang maglaro sa kalye kasama ang ibang mga kabataan. Mga larong kalye na nauso noon ay patintero, piko, tumbang preso, tagu-taguan, shato, luksong baka, 'chinese garter' at maraming pang iba. Masaya itong nilalarong mga kabataan mula umaga hanggang hapon. Purong lakas at bagsik ng katawan ang ginagamit dito. Kahit na amoy pawis na patuloy pa rin ang paglalaro. Ang pakikipagkapwa ng bata ay nabubuo.

Ang mga kabataan naman ngayon ay naglalaro pa rin naman ngunit tila nakalimutan na nila ang dating paraan ng paglalaro at pakikipagkapwa. Ang mga kabataan ngayon ay malimit nang lumabas ng bahay upang magpapawis dahil sa loob na lamang sila naglalaro. Nakayuko at maghapong nakaharap sa kanilang mga 'gadgets'. Kung minsan ay nanonood lamang ng mga pambatang palabas para maaliw ang sarili. Kung ikaw ang tatanungun, ano ang mas gusto mo. Ang kabataan noon o ngayon?


credit to pixabay.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!