Patimpalak sa Biglaang Kolaborasyon Ika-Pitong Araw

in pilipinas •  7 years ago  (edited)

Magandang araw mga ka steemit! Wohoo naka abot na tayo sa ika pitong araw. Biruin nyo yun nag weeksari na tayo agad-agad sa biglaang kolaborasyon.

Ang bilis lang ng panahon, at dahil ito ang ating unang weeksari natin sympre kailangan mas maganda ang ating biglaang kolaborasyon. Ang aking napili ngayong araw ay ang likha ni @sunnylife na


Mga Byaherong Walang Dalang Mapa


Hindi ka nag alala dahil alam mong ang mga nawala, ang mga nag paiwan sandali ay makikita mo sa ibabaw sa tuktok ng bundok ng tralala at sila ay mas nauna na pala.....

Ito ang isa sa mga nabasa ko nung nakaraan na medyo napaisip ako kung ano ang pwedeng mangyari at bakit yung mga naiwan sa pag-akyat at sumuko na ay nasa itaas na ng bundok tralala. Kaya't bilang pagsubok sa inyong palagay sa isang post na maaring tula o kwento ano ang ginawa ng mga naiwan at bakit sila ang mas nauna sa manlalakbay.

Ito ang sagot ni @sunnylife sa aking tanong:

Palaisipan, maaring may mga angel na dinala sila sa tutok
o maaring hinila sila pataas ng mga nauna na sa tuktok ng hindi namamalayan.
ang leksyon ko dito sa kwento na ito, huwag maghusga kaagad, kaaano man sila kabagal
kung baga kanyang kanyang trip yan hehehe

At dahil dyan haha ano ang trip nyong pamamaraan nilang ginamit. At dahil unang weeksari natin ito iibahin natin ang set ng pa premyo.
Tatlo ang magwawagi para sa patimpalak na ito.

  • Ang palugit sa pagsusumite ng gawa ay hanggang April 19 2018 alas dose ng tanghali.


Paano mapipili ang nagwagi sa patimpalak?


Ang magiging hurado ay ang mismong may-akda ng piyesang ginamit.Dalawang likha ngayon ang kaniyang pipiliin para sa mananlong piyesa.
Kailangan iwan ang link ng kaniyang likha sa post na ito dahil sa kung kaninong comment ang maraming upvotes ay syang magwawagi ng award mula sa madla. Ito ang pagkakabahagi ng pa premyo ngayong ika pitong araw.

  • 50% ng SBD ng post na ito ay mapupunta sa may-ari ng likha.
  • 50% ng natitirang SBD naman ay mapupunta para sa komentong may pinakamaraming upvote sa madla.
  • 0.50 SBD sa dalawang mapipiling likha ni @sunnylife.
  • 0.50 SBD para sa aking mapipili din.

O diba nakakabago ng buhay ang reward ngayong weeksari. Hahaha aasahan ko ang inyong mga likha at sobra na akong excited sa magaganap para sa mga susunod na araw.


Kung may katanungan man kayo, maari kayong mag comment o magpadala ng mensahe sa aking FB account o kahit din sa discord @tagalogtrail#5581

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

WARNING - The message you received from @steem-post is a CONFIRMED SCAM!
DO NOT FOLLOW any instruction and DO NOT CLICK on any link in the comment!
For more information, read this post:
https://steemit.com/steemit/@arcange/phishing-site-reported-postupper-dot-ml
Please consider to upvote this warning or to vote for my witness if you find my work to protect you and the platform valuable. Your support is really appreciated!

Ito nga pala ang aking tugon sa akdang "Mga Byaherong Walang Dalang Mapa" ni @sunnylife.
Maraming salamat! :)