Gaya ng napag-usapan naka itim na sumbrero at leather jacket si Lawrence nang dumating sa nasabing bar. Sinipat-sipat nila ang paligid. Mula kaliwa, kanan, likod, harapan at gitna wala paring pinagbago ang lugar. Nagbago lang ang mga mukha ng mga tao pero ang kapaligiran ay ganoon parin.
Nang lumabas na ang pinaka magandang anghel sa klab ay natulala na ang lahat kasama ang dalawang binata. Nahalina si Lawrence na parang may kung anong bagay ang tumawag sa kanya. Naupo sya sa upuan at doon siya ay sinayawan siya ni Mikaela. Hindi na niya napansin na kanina pa pala senyas ng senyas si Wilmer sa kanilang gagawin kaya't pagbalik nya agad siya nitong nabatukan.
"Par ang galing ano? Maghahanap tayo dito ng pera hindi maglalabas ng pera"
"Pasensya na Par sobra lang akong nabighani sa ganda ni seksi! Coca-Cola ang katawan!"
"O sya tama na yan Par! Kita mo ba yun?"
Tinuro ang lokasyon ni Tongressman na ngayo'y tuwang-tuwa dahil sa mga naapalibot na dalaga.
"Abangan natin yan Par! Mapera yang si Tongressman at panigurado ay di yan tatagal maya-maya lang ay uuwi na iyan para magpahinga"
Umupo ang dalawang binata sa isang table ngunit hindi umorder ng kahit anong inuming nakakalasing. Sa tuwing may dumaraan na serbidora ng alak ay tinatanong sila kung dumating na ba ang kasama nilang hinihintay.
Ilang oras ang lumipas at unti-unti nang nauubos ang mga tao, alas dos ng madaling araw ay tanging sila nalang at ang table ni Tongressman ang nandoon.
Inaantok na ang dalawa, may pasok pa sila bukas kay Mr. Krabbs kaya napag pasyahan nalang nila na lumabas na para umuwi nalang, nainis narin sila dahil sa nagliligpit na ang mga tao doon at matatalim na tingin na ang kanilang natatanggap sa mga serbidora.
Pagkadismaya ang nakuha ng dalawang binata, olats parin silang dalawa at ang akalang magkakapera ay hindi rin natuloy. Ngayon binagtas nila ang tarangkahan ng klab para umuwi nalang, dito ay may nakita silang isang itim na Chedeng! (Mercedes Benz ito). Agad itong nilapitan ng dalawa na wari bang sila ang may-ari gaya ng nakagawian nilingon lingon ang paligid, tinignan kung may tao ay nang nakasiguro ng walang tao at agad na hinablot ang side mirror sa magkabilang panig.
Eksperto sila sa ganitong gawain dahil dating miyembro ang dalawa ng "Baklas Side Mirror Gang" ngunit dahil narin sa pag-ibig ay nagbago si Lawrence at ninais nalang nila na magtrabaho ng patas taliwas man ito sa gusto ni Wilmer ay sumunod narin sya dahil "sanggang dikit" sila.
Pagkatapos nilang mabaklas ang side mirror ay naglakad sila palayo sa sasakyan na parang walang nangyari ngunit dito sila nagkakamali....
Dahil sa puno ay kasilyas at walang maihian ang ating magiting na pulis na si Ricardo Dalithay lumabas din siya sa klab para umihi nalang doon. Napansin nya na dalawang kahina-hinalang lalaki ang lumapit sa kanyang Chedeng pero di nya ito agad binigyan ng pansin. Dahil sa madilim naman, ibinaba nya ang zipper ng kaniyang pantalon at umihi, di narin siya tumalikod pinagmasdan nya lang ang gagawin ng dalawang binata. Pag-ihi nalang ang nagpapakilig sa ating pulis dahil alam nating lahat na broken hearted sya ngayon dahil sa naghiwalay sila ni Balyanna.
Pinagkunan ng larawan
Mabalik tayo sa kwento, nang mapansin nya na parang nawawala ang mga side mirror ay agad siyang sumigaw ng
"HOY! MGA MAGNANAKAW! IBALIK NYO ANG SIDE MIRROR KO!"
Kumaripas ng takbo ang dalawang binata at sinundan naman ito ng ating magiting na pulis, hindi na niya nagawang itaas ang zipper ng kaniyang pantalon dahil sa sobrang pagka-inis.
Dahil sa hinahanap ninyo kung nasan na si Ricardo Dalithay andito narin siya sa kwento at ni cross over ko narin sya. Bukas na ang katapusan nito. Isang matinding bakbakan ang magaganap bukas kaya't dapat abangan!
Pa Shout-out ulit sa isa sa mga masugid kong taga basa dito na si @leahlei Happy birthday sa iyo! Salamat sa walang sawang suporta sa pagbabasa ng mga korni at minsang sabaw kong kwento.
Maraming, maraming salamat sa pagbati @tpkidkai!😄❤
Walang kupas talaga ang iyong galing sa pagsulat!👏 Lalo mong ginandahan sa pagdagdag ng memes at youtube news, the best talaga very entertaining!👌💯👍😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit