"Inakay" (Filipino Poem For Our Parents)

in poem •  7 years ago 

unnamed.png

Ang anak ay parang punlang itinanim sa lupa,didiligan sa tagtuyot at bubulikatkatin ang bubugan makasagap lang ng araw sa kasagsagan ng tag-ulan. Gagawin ang lahat upang maihanda ang supling sa malapad, malaki at nakakalulang mundo. At sa oras na unti-unti nang umuusbong ang nakakunyapit na kamalayan ng nasabing nilalang, sa ayaw at sa gusto ng mga nagtatim ng buto’y kailangan nilang pabayaan, paliparing mag-isa at palasapin ng hangin ng kalayaan. Kasabay nito’y ang pagtanggap nilang hindi na nila pagmamay-ari ang nasabing punla.


Kasabay ng pagbibigay ng Poong Maykapal ng anak sa bawat mag-asawa sa mundong ito’y siya ring pagtanggap ng nasabing pares sa mga nakaatang na responsibilidad sa pagpapayabong sa kanilang punla. Dapat nilang ibuhos ang lahat ng kanilang pagmamahal at pag-aaruga sa kanilang anak. Kailangan nila itong palakihing malakas, matibay, mapagkumbaba at may puso upang sa panahong handa na itong liparin ang alapaap ng malawak na parang ay hindi ito madadarang sa mga problemang pwede nitong makabangga.

At sa oras na bumibilis ang pagsalsal ng puso ng iyong anak na sa wari’y umuusbong na ang bubot na paghangang sa paglaoy magiging pag-ibig, ay hindi dapat pangunahan ng mga magulang ang mga desisyon ng anak, lalo’t nasa wastong gulang na ito. Kung may magagawa man sila, siguro ito’y ang sumopurta at handang pagsalo sa oras na pumingis ang kanilang desisyon, ang handang pagtanngap sa kapalapuhan at kakulangan ng anak.

Kung tama at walang mali sa paghubog ng mga magulang sa katauhan ng anak ay natitiyak kong walang magulang ang makikialam o makikisawsaw sa mga desisyon ng anak. Lalo na sa mahiwagang mundo ng pag-ibig, kung saan napakalaking porsyinto ng mga mag-singirog ang handang sumuway sa mga nagpalaki sa kanila, mapasakamay lang ang inaasam na wagas na pag-ibig.

Walang ibang magagawa ang mga magulang sa bawat daan na tatahakin ng kanilang mga anak. Ang pwede lang siguro nilang maihandog ay ang munting payo, mga mumunting opinyong pwedeng mas makabubuti sa kapakanan ng anak, pagrespito sa desisyon at pagsalo sa anak kung ito’y umuwing pasuraysuray at sawi.

Sa paggawa ng desisyon sa buhay kailangan pa rin nating pahalagahan ang mga opinyong ibinabahagi sa atin ng ating mga magulang.Ika nga nila; Papunta ka pa, pauwi na ako. Mas marami nang napagdaan an gating mga magulang kaya higit silang nakakaalam sa kaibahan ng tama at mali. Ngunit huwag din nating hayaan na dominahan ng ating mga magulang ang ating mga desisyon sa pagtahak at sa paglalakbay natin sa tamang daan ng buhay, kung dumating ang pagkakataong nalihis tayo ng landas, hayaan nating tulungan tayo ng ating mga magulang na maibalik sa tama at matuwid na landas.

Photo source

Thank you for Reading!

jonelq.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!