Paalam O'Aking Mahal (Tula Ng Pamama-alam)

in poem •  7 years ago 

more-information-1174122_640.jpg

Pamilya ko, pasensya kung kay bilis ko kayong iniwan. Panginoon ko pasensya kung di ko iningatan yung buhay na iyong pinahiram.
Pero ngayon nanjan na sa kalangitan.

Di ko sinasadya na lahat ng inyong kasiyahan ay aking napalitan ng kalungkutan
Tapos ngayon ako ang inyong pinapanood pero tulog ng walang hingahan.

Masakit man pero kaylangan ninyong kayanin.
Di ba ayaw ko ng malungkot dapat lahat masayahin. Wag kalimutan mga anak ko apo kapatid at kaibigan.

Sana lahat kayo ihahatid ako kung saan ako ililibing. Pasensya na rin kung biglaan ang aking paglisan. Na nakita ninyong walang buhay kung saan akoy nagpapahinga lamang.

Basta lagi ninyong tatandaan nandito lang ako nagmamasid at nagbabantay sa inyo.
Mahal na Mahal ko kayo aking pamilya kaibigan at kapatid.

Ina-alay ko ang tulang ito sa aking mahal na kapatid na yumao ilang araw ang nakalipas.
Mahal ka namin.

Thank you for the prayers and sympathy
Ang larawan ay nag mula sa pixabay.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Condolence po sa inyo, napakaganda po ng tula.

Condolence po sa family...