Huling yakap: ( tula#1 )

in poem •  7 years ago 

BlogPostImage
image source

Sa huling sandali hayaan mong yakapin kita
Yung mahigpit na tila hindi na bibitawan ka
Hayaan mong damhin ko ang tibok ng puso mo
Pakikinggan ang bawat pag tibok nito

Ikukubli sa bisig mo ang ang tumutulo kong luha
Pipigilan ang pag hikbi at itatago ko ang aking mukha
Hindi ipadarama sayo ang sakit na nadarama
Dulot ng paghihiwalay nating dalawa

Ipipikit ko ang aking mga mata
Pagbigyan mo sana ako ng ilang minuto pa
Nais ko lang ay mayakap ka,
Dahil bukas alam kong wala ka na

Hindi na ako magsasalita pa
Walang sumbat, walang hinanakit na
maririnig ka
Mas pipiliin kong isipin pa ,
Ang masasayang pinagsamahan
nating dalawa

Ito ang huling yakap nating dalawa
Huling sandaling kasama kita
Huling pagkakataong ,makapiling ka
Huling beses na ipadarama sayong
Mahal kita .

Hope you like it ..
8a33d6b92a657146499cceb00b97c7cb.0.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nganong niinter.

Haha ..maolge sir @marlon82