Nakaka Panibago
Nakaka Lito
Nakaka bato
Palagi na lang bang ganito?
Mga alaalang pilit bumabalik
Katulad ng Tubig,
Umaagos ng tahimik.
Dumadaloy
Tumatahak
Pumapatak
Mga oras, araw, buwan
binalot ng karimlan
Ilaw sa kadiliman
Muli bang masasaksihan?
Panahong tinikman
sikretong kasiyahan
Ikaw at ako
Tila Dugong dumadaloy
Nagbibigay
ng buhay
ng Pag-asa
ng Sakit
Sa isat isa
Mga panahong buwan at araw ang saksi,
masayang magkasama
may halong pangamba
Nalulunod sa salita
At mga pangakong
Itinali sa mga tala.
At sa ngayon,
Kailangang lunukin ang pagdurusa
Nag iisa
Hapdi ng Alaala,
Wasak na ang pusong
di na maaayos pa.
Pag gising sa umaga,
Nangangamba
Ako kaya'y iyo pang naalala ?
Ngayon lang ako ngwaldas ng oras para basahin ng buo ang tulang tagalog sa socmed, upvoted!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
salamat ng marami otom
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit