"Awit Para Kay Ana" ( Song For Ana)

in poetofnoreturn •  7 years ago  (edited)

Alila ako ng aking kahapon
at pinagtugma-tugma na mga panaginip
mayabang ako ng maniwala ka
na ang ang aking mga ninuno
ang syang nagpatayo ng tore
sa puertong ito
maalilawalas ang langit
malinaw ang tubig
ang mga bituin ay umiilaw sa dagat
maligamgam ang hangin
na yumayakap sa atin
at ang mga alitaptap
umiilaw-ilaw at sumasayaw-sayaw
nang pinapaligiran nila tayo
kung gaano kahaba
ang dalampasigan ng Port Barton
ganun din katagal
ang mga huwad na awitin
na iyong dinamdam at dininig
simula ng mag- umpisa
ang tinipik- tipik na tag- araw
aking napagtanto
hindi ko pala kayang ialay
sa iyo ang mga isla
ang mga hukbo ng bangka
hindi ko matalian at maging kwentas
sa leeg mo
ang maliliit na alon hindi ko mapantay
at ipahalik sa mga paa mo
wala akong ibang makayanan
kundi ang paghabi sa iyo
ng mga awitin
na sabi mo
dumudurog sayo
ng dahan dahan.FB_IMG_1504644535522.jpg![FB_IMG_1504644535522.jpg](https://steemitimag

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Great shots such a beautiful view

Thank you!

Your welcome

Oh my. You're not Filipino that's why you never commented about my poem. But anyway thanks for the upvote.

I did try google translate and it did a fairly good job but may have lost someof it a little but it did seem a very nice poem

Thanks for the good assessment.

Your welcome

ganda po ng view ;)

Salamat.

At Taytay Fort, Palawan, Philippines.

You can still change your tags and include Pilipinas. `For now I will include this post ok? But it won't be curated till proper tagging. Cheers.

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond