Sa alapaap nagkukubli
Mga pangarap na minsa'y nakamit
Hindi natatangis itong walang hudyat
Na sandali
Magandang tanawin kayang makamit
Minsan nag-alay ng tula
Sa akin yung tayo'y bago pa
Kay tamis ng mga salitang sinambit
Akala ko'y iyong lahat ay akin
Ngunit ngayo'y nag iba ang ihip
Mataramis na salita tila hindi lamang
Para sa akin
Nilaan mo na iyon sa iba
Pati sigurong mga pangarap sa langit
sinulat
Pinipilit kita, aking mahal
Pinipilit ulit sumulat ng tula
Yung para sa akin lamang sinta
Ngunit mukhang ayaw mo na
Tanggap na ika'y nagkamali
Nagtaksil sa samahang inukit
Balatkayo man ngayon
Walang magawa kundi manatili
Umaasa pa din sa himala
Lahat naman tayo di ba?
Nangangarap ng magandanf bukas
Kahit sa butas ng karayom lumabas
Sa alapaap nagkukubli
Mga pangarap na minsa'y nakamit
Hanggang ngayon nangangarap pa din
Mga tula mo sana'y makita ulit.
Ginawa ko itong tula para sa Poetography Contest ni @iyanpol12.
Pebrero 10, 2018