MATINIK NA PAG-IBIG (#philippines)

in poetry •  7 years ago  (edited)

Nagmahal, nasaktan, nanumbalik ang nakaraan.

Kung paano tayo nagkakilala at hanggang sa lahat ay naging ala-ala nalang.

Kailan? Kalilan ko kaya uli mararanasan?

Na sa pagdilat ng aking mata, ika'y hindi nalang ala-ala.

Ang dati'y tayo ngayo'y pinipilit nalang.

Ang dati'y ngiti ngayo'y pinepeke nalang.

Pero ang pinaka-masakit sa lahat?

Ang dati'y tayo, nagyo'y isang alamat nalang.

Ilang liham na ang isinulat sa'yo.

Ilang luha na rin ang natuyo.

Hangga't ikaw ang tinitibok ng puso ko.

Hinding hindi ako susuko.

Ngunit sa aking pagkapit.

Sa pag-asang ika'y babalik,

Ika'y nakakapit rin pala.

Nakakapit sa iba.

Kailan kaya mangyayari ang nakaraan?

Yung tipong hindi hanggang ala-ala at panaginip nalang.

Yung kung paano talaga tayo nagsimula

Yung kung paano ka lumapit na may ngiti sa iyong mga mukha

Ngunit ano nga ba ang dapat ibalik?

Kung ako lang naman ang umiibig

Na sa dating 'tayo' ako lang ang may pasanin.

Nasa dating pagkakaibigan ako lang ang natinik.

Natinik sa mapang akit na tadhana.

Nakakaakit, nakakasakit na parang rosas ang tadhana

Na ang pinapakitang kilos na akala'y espesyal ka.

Pero pag nahulog ka na ikaw lang ang masasaktan

Kelan mo ba ako mamahalin pabalik?

Kung sa iba na ko nakakapit?

Mamahalin mo nga ba ako pabalik?

O panibago na naman itong tinik?!

IMG_20170915_140753.JPG

Photo source

Thanks for droppin' by! Love to hear your comment below. Follow me for more.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond

love the poem..thanks for sharing..upvoted

Thanks 😌

nice poem.upvoted..

Thank you 😌

@athenabree08 I like your submit. I have followed you.

Thanks for that 😌

upvoted kapatid

Salamat po 😄

salamat po

This post was resteemed by @resteembot!
Good Luck!


Curious? Check out:


The @resteembot users are a small but growing community.
Check out the other resteemed posts in resteembot's feed.
Some of them are truly great.

Awesome post dear great work

Thanks!