Kumusta mga kaibigan? Gusto ko sanang mag bahagi ng aking kaunting kaalaman sa larangan ng tula. Na sanay inyong magustohan ang aking gawa at sanay malalim ang inyong pag uunawa.
Ang aking ina, ina kung mapagmahal at mapagkumbaba.
Lahat ng problema basta't andito siya ay kayang kaya.
Inang dapat ipag mayabang sa madla.
Siya ang nag iisang maganda kung ina na sobrang pinagpala.
Lahat ng gawain ay kayang kaya niya.
Kaming mga anak niya ay laging masaya.
Siya ang nag iisang mahal naming ina.
Lahat ng trabaho ay talaga namang kayang kaya.
Maibigay lang niya kailangan ng aming pamilya.
Siya ang aming ilaw ng tahanan.
Sa bawat problemang haharapin siya ay nandiyan para kami ay alalayan.
Inang nag bigay buhay sa amin na kailangan nating respetohin at mahalin.
Bawat ina ay kailangan nating galangin.
Sapagkat sila ay palaging nandiyan para sa atin.
Araw-araw silang nag tratrabaho para tayo ay may makain.
Kahit alam nilang hindi kaya ng kanilang katawan ay kanilang pipilitin.
Mag pasalamat sa ating mga inang tunay na nag mamalasakit sa atin.
Maraming salamat sa mga inang totong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanilang mga anak.
Salamat sa pagbabasa sanay inyong naintindihan ang aking punto sa tulang ito.
Credit for the picture: https://hesaidshesaidph.com