Noong una kitang makita hindi ko inakala,
Na ikaw pala ang magbibigay sigla at lligaya,
Sa buhay kong puno ng problema.
Nang makilala ka ako’y napapatuwa,
Sa mga ngiti mong walang kasing saya,
At mga titig mong kay lagkit nang makita.
At nang naging tayo, laking giliw ko,
Ikaw pala ang tanging magpapatibok nitong puso,
At tinataglay nitong aking pagkatao.
Ngunit sa kabila ng saya kong nadarama,
Di ko waring may dumating na eksena,
Na kahit minsan di ko man lang nahinala,
Na may dagok palang sadyang mananamantala.
Ibig kong malaman mo,
Na sa buhay kong ito ako’y laging nagpapakatotoo,
Umibig ako na walang halong biro,
Na sa puso ko ay ikaw ang laging panalo.
Hinayaan mong tayo’y magkalayo,
Hindi man nais nitong aking puso,
Kaligayahan ay ibibigay kung ‘yan ang nais mo,
Kahit puso ko man ay nagsimula nang nagdurugo.
Sa iyong pag-iwan, ako din ay lumisan,
Upang hindi maramdaman itong aking pasan,
Sa aking isipan at pusong sugatan,
At tuluyang malimutan ang ating nakaraan.
Nung ako’y nagpakalayo, hanap-hanap mo naman ako,
O ano ba ibig mo sa iyong panunuyo?,
Ako na ba ulit ang ninanais mo?,
Di ko pa alam kung paano?
Ngunit tibok ng puso ikaw pa rin ang hinahanap,
Sinasadya ko lang na hindi tinatanggap,
Kumikipot man ako ito lamang ay pagpapanggap,
Upang di mo malaman na ikaw pa rin ang pinapangarap.
Dikta nang isip ko ikaw tila lagi,
Bakit kaya lagi kitang minimithi?,
Mahal pa rin kita yan ang panay kung nadarama,
Ayaw ko na sana, pero ikaw na lang talaga!
Sana po ay inyong magustuhan tula kung pinaghirapan.
Maraming pong salamat sa inyong lahat.
Upvoted magaling magaling magaling ipag patuloy
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thanks @mrblu. Hoping to make poetries same as good as you and others.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
thanks for posting steemitdavao
Upvoted and resteem your post
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit