TANGING IKAW, WALANG KAPANTAY – PARA SA MINAMAHAL NATING AMA by: @cathytorrescutiekate (38) in poetry • 7 years ago (edited)AKING AMA MINAMAHAL KITANG TUNAY photosource @ google image Laking tuwa mo nung ako’y isinilang, Mukha ko’y lagi mong pinagmamasdan. Lahat ng pangangailangan laging ginagawan ng paraan, Mabuhay lamang at magkaroon ng maayos na tirahan. Ibinigay ang lahat upang kailangan ko’y matustusan, Kahit anong hirap man ang iyong tinatamasan. Binuhay mo ako kahit walang karangyaan, Maabot lamang ang nais mong aking makamtan. Tila pagod mo ay wala man lang patlang, Paghihirap mo ay hindi naiibsan, Pagsisikap mo’y lagi kung nasisilayan, Na wala man lang isang naging katuwang. Ibig ko pong kayo ay pasalamatan, Sa mga nagawa nyong walang katapusan, Lagi kayong nasa aking puso’t isipan, Tila hindi makakalimutan magpakailan paman. TANGING IKAW lamang lagi kong ipinagmamalaki, WALANG KAPANTAY sa isip ko’y mananatili, AKING AMA, minamahal kitang lagi, ANO MAN ANG MANGYARI HANGGANG SA HULI. Sana po ay inyong nagustuhan. Maraming salamat. UPVOTE - FOLLOW - RESTEEM poetry life writing steemph steemitdavao
nice poem, upvoted @iyam
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
thanks@iyam
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit