" Tulaan at Sipnayan"
Eto nanaman ako, nakatulala sa pisara,
Tinititigan ang mga numero,simbolo at letra,
Nagtataka kung bakit naging ganoon ang solusyon,
Sa mga problemang sa akin ay walang relasyon.
Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ng propesor,
Para kong pinipilit basahin ang reseta ng doctor,
Hanggang kailan ba matatapos ‘to,
Parang segu-segundo sinusuntok ang utak ko.
Pero ganito ata talaga,
Para makakain ng nilaga, kailangang magtyaga.
Ngayon ay panahon ng pagtatanim,
Nakakasabik ang araw na ito na ay aking aanihin.
Salamat UP sa binibigay mong hirap,
Balang araw alam kong papalitan mo ito ng sarap.
Ang tulang ito ay aking orihinal na likha. Salamat sa pagbabasa! Hanggang sa muli.
Ganda Ng Tula mo...
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit