Poem / Hanggang Kailan Kaya Maghihintay ( A Filipino Poetry)

in poetry •  7 years ago 

Sa paglipas ng araw,
Sa bawat gabing nagdaraan.
Sa bawat umagang kalungkutan ang almusal!
Sa bawat pag-ikot nyaring kamay ng orasan..
Alaala mo ay umuukit sa aking puso't isipan!

Mga luhang kayhirap pigilan.
Pagdadalamhati siya paring nararamdaman..
Mga ngiti sa labi na tila bat kahapon lamang.
Kwentuhan harutan, na di malilimutan!

Anu nga ba, bakit nga ba..?
Kaybilis ng mga pangyayaring ,
Tila ba tinadhana.
Ito ba talaga , kailangan nga kaya?
Mga tanong sa isip , na di ko mahinuha!

Dapat bang kwestyunin, ang poong may kapal?
Marapat bang siya'y sumbatan sa iyong pamamaalam?
Gayong batid ko na siya ay may dahilan.
Sa lahat ng bagay sa buong sanlibutan.!

Subalit, paano ko lulunasan.?
Paano ko iibsan pangungulilang aming nararamdaman!
Hanggang saan, hanggang kaylan, kami mananaghoy.
Mga pusong sugatan, papaano ba magpapatuloy?

Hanggay kailan ko pipigilan
Ang aking mga luha,
Hanggang kaylan ko ipapakita katapangang inaasahan nila.
Hanggang kaylan ko kakayanin, hanggang kaylan ko titiisin, kirot sa pusong lubos na naninimdim...

Sa bawat pagpatak ng ulan,
O pagsikat man ng araw.
Sa bawat pasko at kaarawang hindi mo na masisilayan..
Sa bawat sandali, sa gunita'y nakalarawan.
Alaala mo ang siya naming taglay..
At siyang tanging mananatili habang kami nabubuhay...


Hanggang Kailan Kaya Maghihintay

isinulat ni @eceninzz
04 / 24 / 2018



14.jpg



I am a part of @steemitfamilyph. Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link


Your steem friend,

-Niño M.-


UPVOTE / FOLLOW / RESTEEM

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

tulang tagos sa puso...salamat sa pag share kabayan @eceninzz