Ipipikit ko nalang ang aking mga Mata,
Nagbabaka sakali na muli kang makita.
Kung sa panaginip kita'y makakasama,
Magising ma'y diko na nanaisin pa.
Ikaw man ay mawawala sa aking panaginip,
Mga mata'y ipipikit at muling iidlip.
Baka sakaling ikay aking mahagip,
Mapadpad muli sa aking panaginip.
Pagkat doon tayo ay magkapiling,
Masayang magkasama habang natutulog ng mahimbing.
Mga alaala'y muling bumabalik,
Mahihigpit na mga yakap at maiinit na halik.
Ngunit pagdating ng umaga ika'y lilisan na,
Haharapin ang kinabukasan na hindi ka kasama.
Mga alaala na sa panaginip lang makikita,
Habang buhay nalang sana'y managinip sinta.
"Sa Panaginip Nalang Ba Magiging Masaya"
Isinulat na tula ni
@eceninzz
02 / 15 / 2018
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
This is your steem friend,
- Niño M.
Ang galing niyo po sa tula.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post has received a 0.03 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit