Filipino Poetry #62: Ina

in poetry •  7 years ago 

10013873_645483018858859_1103626771_n.jpg
-orihinal na tula-

Noong ako'y nasa sinapupunan
inaalagaan ng siyam na buwan
at hindi pinapabayaan
na magkulang kahit anong parti sa katawan.

Hanggang sa iyong ipinanganak
kayo pa'y nangiyak iyak
at lubos na ikinagagalak
ang munting anghel na tinatawag mong anak.

Lubos ninyong ikinatutuwa
ng marinig ang unang salita
unang salita ng bata
umaapaw na saya ng tinawag kitang MAMA.

Lagi kang nandyan
sa oras na ako'y nangangailangan
kapag mga kalaro, ako'y sinasaktan
ako ay iyong kinakampihan.

Kahit anong pagod
masakit man ang tuhod at likod
maibigay lang ang gusto
anak na nakangiti, nawawala pagod niyo.

Sa aking paglaki
kahit ako'y nagkakamali
at pa iba iba ang ugali
ako ay pinapatawad sa huli.

Pagmamahal na di maglalaho,
pagmamahal na di magbabago
salamat dahil ako'y ipananganak niyo
at kayo ang naging mga magulang ko.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by frellarong from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.