2018 Poetry #7 " Ang Paghihintay sa Iyong Pagbabalik"

in poetry •  7 years ago  (edited)


Image Source(direct link to img)

"Ang Paghihintay sa Iyong Pagbabalik"

Isang taon na ang nakalipas
Mula nang ikay lumuwas
Ang sabi mo sa akin ika'y babalik
Kasabay nang mahigpit mong yakap at halik

Araw at gabi sa bintana nakatunganga
Nagbakasakali ika'y dumating at pangalan ko'y tawagin
Ngunit kahit anino mo'y wala parin
Tanging nagparamdam ang lamig nang hampas nang hanging amihan

Sa ating tagpuan lagi kong pinag isipan
Maraming katanungan ang nabuo sa aking isipan
Dapat pa ba kitang hintayin o kalimutan
Mahal mo pa ba ako o may iba na sa puso mo

Katawan ko ay pagod na sa paghihintay
Ngunit puso ko ay ayaw paring bumigay
Araw at gabi luha nitong mata ay dumadanak
Sana sinta ika'y babalik at maramdaman muli ang iyong yakap💔💔

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!