"Lalayo na Ako" || a filipino poetry

in poetry •  7 years ago 



source

"Lalayo na Ako"

Sabi mo noon ako'y iyong idolo
Noong ako'y sa nakaupo sa dulo
Dumaan pa ang ilang mga araw
Nagkamabutihan na at ika'y nanligaw

Sa pagdaan ng ilang buwan
Napakwento ka't galing ka sa mapait na pagmamahalan
Napatanong ako sarili
Kung gusto mo lang makalimot sa pangyayari


Ni minsan ba minahal mo ko sa aking katauhan
O, nananatili pa rin ang alaala nya sa aking katayuan
Sinasabi mo mahal mo 'ko ng sobra
Ngunit sa mata mo'y iba ang aking nakikita


Hindi mo man sabihin pero aking nadarama
Pagmamahal mo sa kanya'y di nawala
Napakasakit isipin na ito aking nadarama
Lalo na't minahal kita ng sobra


Sana'y di na pinahantong sa ganito
Nahihirapan tuloy sarili mo
Magpaparaya ako kung kinakailangan
Dahil ito lang ang natatanging paraan


Paraan para itama ang mali
At ibalik ang dati
Salamat sa kunting panahon mo
Pero lalayo na ako.



Maraming salamat mga kaibigan!
Naway naghandog sa inyo ng aliw ang nabuo kong tula. Muling balikan ang mga nakaarang tula na aking isinulat.


* * * * * Filipino Poetry * * * * *

Alaala Mo

Barkada

Pag-ibig

Awit ng Puso


* * * * * English Poetry * * * * *

Forever is Scary

Torment

Happiness

Thy Love

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Thanks for upvote , comments and resteem me @zillurkhan72

Naks...