Lagi Na Lang Ganoon

in poetry •  6 years ago 

buhay
pixabay

Oo, lagi na lang ganoon,
di na naman nagbabago,
ganoon na rin noong una,
noong sinundan pa ng nauna.

Kung tutuusin, sanay na tayo sa simula pa lang,
mula nang ipinanganak tayo hanggang sa pagbabalik sa lupa,
oo, lagi na lang ganoon.

Iyon at iyon din naman ang nakagawian na ganoon na nga,
kung magbabago, wala akong alam,
pero lagi na lang ng ganoon, at madalas ganoon na nga.

Tingnan mo ha, pagkatapos mo itong mabasa,
ganoon na lang ulit ang mangyayari sa kung ano ang nabago,
wala akong alam, wala rin akong malalaman,
kasi lagi ngang ganoon, depende na lang kung paano naging ganoon iyon,
wala tayong tiyak na kaalaman sa ganoon!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

is music! nice!

lagi ganyan talaga

Pwede rin palang TAgalog sir John

Nakatsamba lang siguro ako.