Walang post, walang kita,
tumunganga, walang kita,
magmukmuk, lalong walang kita!
Oo, ganoon na nga sa Steemit, matira matibay!
Wala kang group, wala ka sa Discord, nag-iisa ka lang, puwede naman.
May post ka, cents lang makukuha mo kung walang upvote na maganda,
may post ka, at nakita ka ng balyena gamit mo tags nila swerte nang ma-upvote,
may post, ka okay na pabarya-barya na bigay ng kakilala mong wala ring mataas na SP.
Oo, matira matibay sa Steemit, hindi naman ito talaga blogging site,
cryptocurrency umiiral dito, ang blog, e para ngang front nga lang.
porke nasa Steemit ka, e, giginhawa buhay mo, wala sa FAQ nila iyan.
porke nasa Steemit ka, e, garantiyang may kita ka sa maghapon, wala ganoon!
Pero kapag tinitingnan mo ang ibang post na wala namang kuwenta post, may kita malaki pa,
kapag nakita mo ang post ng iilan na parang paulit-ulit na lang ang kuwento, may kita malaki pa,
Paper trail? Ewan! Ay! Curation Trail ba kamo? O naka-otobot? Ewan ko rin. Pero laki kita talaga, promise!
Santambak na crypto post pero hindi talaga kumikita. Ang mga post na akala mo walang kuwenta, may kita!
Naiba na ata ang ikot ng mundo, kung ano ano na lang post sa dTube, dLive,
nagsalita si ganito at ganyan, wala lang kumita na, kakilala siguro ng balyena sila,
e, dati nga nagpopost ako ng dalawang libong salita, barya lang din kita, pero kahit paano may kita.
Talagang dito sa Steemit matira ang matibay, kikita silang dati nang kumita na!
Lagi tuloy naitatanong ko kung kailangan ko bang himurin ang utak ng mga may matataas na SP at i-upvote ako o silang nangangamatay na ang kanilang account at di man lang nakatikim ng payout? Meron maraming hindi pa nakapayout ilang buwan na sa Steemit!
Ay! Naalala ko nga pala, may kababayan tayo, weh, di nga! E, noong unang buwan ko dito sa Steemit, sila sila lang din naman ang kumikita! Pansinin mo hanggang ngayon buhay pa ang account nila at kumikita, promise iyan, iisa-isahin ko pa kung sino sila?
Hindi naman lahat ng ating kababayan ay kayang bigyan ng upvote, at okay ba ating post iyon pa tanong,
Sarap siguro kung may dalawang milyong SP ako, kahit paano, makatutulong ako sa maliliit, wish nga lang iyon.
Heto, nananatiling sentimos pa rin ang upvote, samantalang ang halos kasabay ko, hindi hanggang ngayon wala namang 0.00 ako ilang beses nang nakatikim nito. Ang saya di ba!
Hindi naman ako naniniwala sa maganda ang laman ng post mo sa ganitong uri ng sistema sa Steemit,
ibang iba ito kaysa blogging site na totoo, wala namang adsesne dito, cryptocurrency nagpapatakbo dito,
investment na may kasamang mina ng minds dito, pero purely crypto talaga itong site na ito!
Kung ilang taon pang matira matibay dito Steemit hindi ko alam, halata namang walang nagbabasa ng posts kahit pa kababayan mo ang mga nagsipagposts. Pera pera lang talaga sa Steemit or coin coin lang, lol!
Kaya kung gusto mo ng malaking SP, tumaya ka ng Keno o Lotto at kapag nanalo ka bili ka SP at SELF-UPVOTE ka! Tiyak may future ka sa Steemit! Iyon ay kung investor ka! sa Steemit anong paki nila kung self-upvote ka! Pera mo naman ang ininvest mo dito!
Pero sa kasalukuyan mukha kang basura, yagit, humihingi ng limos ng SP, iskabenger ka sa loob ng Steemit na sumasagot sa may mga malalaking SP at mapagdamutan ng SP pagkalipas ng isang linggo!
Kahit pa anong katuwiran ng ibang nabasa ako sa SP kanya kanya talaga sa Steemit ang diskarte, hindi totoong pagandahan ng posts dito, hindi totoo iyan! Puwede ba!
Patibayan ng isip, sikmura, pahabaan ng pasensiya, at kung sa dasal makukuha ang malalaking upvote para sa iyo ngayon pa lang magdiwang ka na, pero hangga't ilang taon pa bago tumaas ang iyong SP, pansamantalang tuta ka muna nila na kailangang maamo ka kung hindi ikaw ay iiyak! Lol!
Matira matibay lumakas btc
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
oo nga... nsa likod ang negosyo, wala sa harap kahit walang kwentang post ang tataas ng kinita.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Totoong-totoo ito.😢
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by iwrite from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Tama ka sir 👏🏻
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit