"Hayaan Mo Na Sana Ako"

Doon palang alam kuna.
Na may hiwagang bumabalot sayo
At ramdam iyon ng aking puso.
Kay tamis ng iyong ngiti
Tamis na di ako mapakali.
Kaiisip sa maganda mong mukha
At ang mapupungay mong mga mata.
Ako'y lubos na nahulog na sayo
Di ko ito mawari at matanto.
Makita ka'y lagi kong gusto
Laman ka na nga ba ng puso?
Gusto kitang alagaan at maangkin
Gagawin ang lahat para ika'y mapasakin.
Kaya "Hayaan Mo Na Sana Ako"
Walang tanging hangad kundi puso mo.
Hayaan mo akong mahalin ka
Ibubuhos ko aking nadarama.
Para lang sa iyo'y maipakita
Na ikaw sa akin ay mahalaga.
Mamahalin kita ng buong-buo
Totoo yun, iyan ay aking pangako.
Galing sa kailaliman ng aking puso
At aabot tayo hanggang dulo.

Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :
and Here are my English Poetries
Hanggang sa Muli

Photocredits : 1 2
Kuya? Ang ganda ng tula mo. Idol na kita.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat po.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Amazing post! I follow you :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit