"Lakbay" : A Filipino Poetry

in poetry •  6 years ago 

"Lakbay"


Hindi ko inaasam ang mga makamundong paglalakbay
Ang pag dako dito't doon ay di ko hangad sa aking buhay
Ang gawi lamang ay humiga at umupo sa bahay
Kaharap ang kompyuter na pinagmumulan ng hanapbuhay


Sa pag gising, kain, ligo at tutungo agad sa lamesa.
Haharap sa kompyuter kung saan iyon nakahelera.
Uupo at mag-iisip kung ano ang aking magagawa
Sa buong araw upang ako ay kumita.


Ngunit nang ikaw ay nakilala biglang nagbago ang ihip ng hangin.
Nais ng tumungo sa mga lugar na may mga preskong hangin.
Makita kung gaano karikit ang mga bulubundukin.
At makakuha ng magagandang larawan sa mga tanawin.


Nais ko ng maglakbay kapiling kang nakayakap sa aking likod
At magtanim ng mga ala-ala sa bawat lugar na ating nalibot
Matikman ang mga pagkaing kaysarap balik-balikan
At matanaw ang mga pelikulang ating inaasam.


Kaysarap ng pakiramdam ang makasama ka
Di ko maipaliwanag ang aking nadarama
Ang iyong pagyakap sa tuwing tayo'y naglalakbay
Sana ito'y di panandalian lang at maging tunay


Maraming Salamat sa Pagbasa!

Photocredit : Pixabay

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

nice pic bro but i can not understand your language but awesome pic i like it

Galing bro....