"Tubig" : "A Filipino Poetry

in poetry •  6 years ago 

"Tubig"

group3.jpg


Kailangan ko ngayon ay malamig na tubig
Nangangapa sa "tubig" ang aking bibig
Pagod na pagod galing sa aming laro
Ang larong nagpapabukal sa aming dugo


Basketball na nakahiligan ng magkatropa
Ang sarap maglaro kapag magkakasama
Di alintana ang pagod at pawis na lalabas
Basta't ang aming pagkasabik ay mailabas


Hindi lang laro kundi ang samahan ng barkada
Hindi lang pawis kundi ang aming pagsasama
Na kailan man ay di mapapalitan ng sinuman
Masayang ala-ala simula nung aming kabataan


"Tubig" lang ang kailangan at balik na agad
Sa paglalaro na siyang aming hinahangad
Makapuntos at makagawa ng mga swabeng galaw
Nais lang gumaling ng kami ay makahataw


Nawa'y sana ito'y inyong nagustuhan :)

Photos are from Pixabay

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!