"Utang" : An Original Filipino Poetry

in poetry •  6 years ago 

Magandang gabi Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha para sa #wordchallenge na may Temang : "Kalayaan". Ito'y hindi isang opisyal na entry. Kung nais ninyong sumali sa paligsahan, narito ang mga opisyal na links :

Word Poetry Challenge #16 : "Bagyo" | Tagalog Edition

Word Poetry Challenge #14 : "Happiness" | English Edition


"Utang"


Photocredit : Pixabay


Nakakabahala na ang iyong pangungutang
Sa mga mata mo ito'y parang nakaharang
Ang dali mong makahanap ng pag-uutangan
Samantalang ang hirap hanapin pag bayaran


"Utang" dito, utang doon yun ang di ko matanto
Bakit kaya mong malunok lahat ng ito
Ang puso mo naba ay naging bato?
Bakit parang walang ng laman ito?


Kapag uutang, kay sarap ng iyong mga ngiti
Kapag sinisingil, ikaw pa yung nanggagalaiti
Bakit ganun, nasaan na ang iyong konsensiya?
Sa mga intuangan mo, hindi kaba naaawa?


Hindi lang pera nawala pati narin ang tiwala
Tiwalang kapag mabiyak kahit isa, wala na.
Maisip mo sana ang sama ng loob nila.
Sa "Utang" mo'y wa mo sanang takasan sila.


Nawa'y sana ito'y inyong nagustuhan :)

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!