Filipino Word Poetry : Tula Para Kay Ama (A Father's Day Special)

in poetry •  7 years ago 

images (3).jpeg
Pinanggalingan ng larawan


"Tula Para Kay Ama"


Ang tulang ito
Ay isinulat ko ng buong puso
Para sa isang dakilang tao
Pinakadakila sa lahat ng nakilala ko


Siya ay laging nagsasakripisyo
Sa mga mahihirap at mabibigat niyang trabaho
Baliwala ang sakit sa pangagatawan
At pagod na nararamdaman


Mabigyan lang niya ng maginhawang buhay
Ang pamilyang kanyang binubuhay
Siya ang aming taga gabay
Sa aming pang araw-araw na pamumuhay


Siya ay sing tigas ng haligi
At hindi matitinag kahit anong mangyari
Siya ang aming haligi ng tahanan
Ama kung tawagin ng karamihan


Isa rin siya sa aking pangunahing takbuhan
Pag ako'y may problemang nararanasan
Dahil ibang klase siya pag ako'y kanyang pinapayuan
Na parang ang aking mga problema'y kanya naring nadaanan


Di maipagkaisang
Nasa iyo ang tunay na katkatangian isang ama
Kaya mahal na mahal kita
Mahal na mahal ka namin ni ina


Para ko narin siyang kaibigan
Dahil lagi kaming nagkakasundo sa aming mga pinag-usapan
Lalong lalo na sa mga kasiyahan
At mga bagay na aming pinagtatawanan


Ang aking magiting na ama
Ay talagang tunay na dakila
Kaya wala na akong ibang hihilingin pa
Kundi ang habang-buhay kitang makasama


Kaya sa araw na ito
Ikaw naman ang patatawanin ko
At nagpapasalamat ako
Na may dakila't magiting ako'ng ama katulad mo




Nawa'y naantig ko ang inyong mga puso sa tulang aking ginawa para sa aking ama. Handog ko narin ito sa lahat ng ama sa mundo at Happy Father's Day sa lahat ng ama. Maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking orihinal na gawa na tula na galing sa aking puso. Mabuhay ang tulang tagalog.


Thanks and Godbless
@jumargachomiano

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!