#SpokenPoetry1

in poetry •  7 years ago  (edited)

Uumpisahan ko sa una.
Nung araw na ika'y aking nakilala,
nabago ang mundo ko't paniniwala.
Paniniwalang, pag-ibig ang dahilan kung ba't tayo nasasaktan.
Pero siyempre dahil diyan,
lumalim ang pagtitinginan nang hindi namamalayan.
Paano mo nga ba nabago ang pananaw ko na iyan?
Simple lang naman ang dahilan.
Binago mo lahat.
Mula sa mahinang paniniwala na may magmamahal pa,
patungo sa "Huwag kang mag-alala, nandito na ako upang mahalin ka"
Hindi ko alam kung tunay man,
pero iyon ay aking paninindigan.
Mahal..
Mahal kita.
Gasgas man ang linyahan,
maniwala ka,
ikaw lang sapat na.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!