TALENTONG TAGLAY

in poetry •  7 years ago 

D83D2BFC-AD79-4FA2-97D8-6B898844C720.jpeg

Noong bata’y hilig ko na ang pagguhit
Napapawi aking inip, lungkot at galit
Salamat sa’yo Steemit
Sa pagkakataong iyong ipinihit

Muling nanumbalik
Malikhaing guhit, linya at batik
Sa aking mga obra nandun ang puso
Na nagbibigay buhay sa bawat piraso

Di kailangang gamit mo ay magarbo
Simpleng lapis at kwaderno
Sapat na upang ipamalas iyong talento
Sapagkat likas na malikhain tayong mga Pilipino

Ngayo’y nais ialay
Talentong aking tinataglay
Ibabahagi ko sa steemgig
Mga obrang iniibig

EC230409-C462-481C-A1EB-307C47D5296D.jpeg

UPVOTE~COMMENT~RESTEEM

Follow @khat.holanda23

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!