ALAALA SA PAGKABATA (POETRY)

in poetry •  7 years ago 

Alaala sa Pagkabata

By: @marizen

O kay sarap balikan ng dating alaala
Na dati’y laruan lang ang aking palaging dala
Mga panahon na ako’y musmos pa lamang
Mga oras na karga karga ng aking mga magulang

Kapag narining na ang tunog ng sorbetes sa labas
Sabay sabing ‘manong pabili po’ ng napakalakas
Kapag nakakita ng mga makukulay na lobo
Magpapabili’t hihilain si nanay ng patakbo

Walang ibang pino-problema
Kundi mga laruang nasira’t naluma
Kailangan matulog sa hapon, yan ay tiyak!
Walang magagawa kundi ang matulog na mangiyak-iyak

Laging sabik maglaro sa labas ng bahay
Na para bang sa mga kalaro’y ayaw ng mawalay
Kapag may nakitang laruan, bili dito, bili duon
Ang sarap balikan ng mga oras at sandaling iyon

Wala ng ibang sasarap pa sa buhay ng isang bata
Ang mga ala-ala na dala sa pagkatanda
Mga yakap at halik ni inay
Ang pagkalong at pagkarga ni itay

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

wow nice ate :)


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Congratulations @marizen, your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord