Paraiso at Kaligayahan - Ulog #4 (Poetry)

in poetry •  7 years ago  (edited)

coconut-trees-dawn-daylight-1033729.jpg
source

Sariwa pa sa isip ko,
Noong sabay tayo naglakad sa makitid na eskinita malapit sa Recto,
Nauna kang konti sa paglakad habang sunod sunuran ako sa likod mo;
Pagdaka'y hindi ko mapigilan ang magtanong ng ....
Miss, tagasaan ka? Sabay lingon mo at sumagot ng ... "Che shutup! I don't even know you, dang!"

Hahahahaha!
Oo napatawa ako ng malakas at napahiya medyo,
Isa ka palang Pilipina na nabudburan ng lahi ng taga kanlurang tao;
Nais ko pa sanang magsalita din sa banyagang wika na sinabi mo,
Subalit bigla naisip ko, may kandado pa pala ang baul ng nakatagong Inglis ko.

Totoo naman kasi,
Lumaki ako sa probinsiya hilahila ang pisi na nasa kalabaw,
Sa sobrang hirap ng buhay hindi na sa paaralan nakapagdalaw;
Kaya ang alam ko na Inglis ay "English Carabao" na turo ni Aling Carmen--
Parang kumakanta lang ng "Haw haw de carabao de bato ten".

Kaya binagalan ko,
Konti ang aking paglalakad hanggang sa may limang dipang agwat,
Hanggang sulyap na lang sa buhok mong 'gang balikat;
Sabay yuko at pagsipa patagilid sa lata na nasa daan,
Na tumilapon naman sa malapit na basurahan sa tabi ng daan.

Habang nakayuko pa,
Bigla akong nakarinig ng malakas at matinis na sigaw,
"Magnanakaw, magnanakaw!" Ang Filipinong salita na tili mo at hiyaw;
Nasa harap ko ang eksenang sa pelikula ko lang dati natatanaw,
May masamang taong pilit kuhanin ang bag mo'y inaagaw.

Sa may kalahating segundo,
Biglang naisip ko na sana magnanakaw nalang ako,
May kakaibang lakas ng loob kasi na lumapit sa iyo;
Ang balak kong nakawin ay hindi ang bag mo
Kundi iyang pagtibok ng manhid mo na puso.

Bigla akong nahimasmasan,
Ang mga paa't tuhod ko kusang tumakbo, ika'y nilagpasan,
Pasimpleng lumingon sa iyo at ika'y kinindatan
Na wari'y nagsasabing, "Ako bahala sa bag mo,
kapalit ay ang inaasam kong iyong pangalan."

Hindi lumagpas
Sa ilang minuto nagpang abot at parang nag bunong braso,
Doon sa salarin na umagaw ng bag mo;
Hindi inakalang mas malakas ako kumpara sa kanya,
Heto din siguro ang resulta ng lagi kong paghila sa araro't kalabaw sa probinsiya.

Subalit anong malas,
Meron pala siyang hawak na patalim,
Isinaksak malapit sa dibdib ko - isang dangkal ang lalim!
Biglang nanghina ang puso dahil sa sundang na tumagos,
Ngunit niyakap ng mahigpit ang bag mong naligo sa dugo kong umaagos.

Lumisan ang salarin
Dahil sa madaming taong nakasaksi sa biglaang pangyayari,
Akap akap parin ang bag mong ipinangakong isusuli;
Unti-unting nanlabo ang aking paningin, pandinig ko'y bumabagting,
Subalit ngkaroon ng ngiti sa labi ng makita kitang paparating.

Walang kiming,
Ikinanlong mo itong sugatan ko na kaluluwa,
Hindi ko alam kung bakit ka naawa
sa probinsiyanong aba;
Nasugatan man ang puso subalit matamis naman na...
Mamatay sa piling nitong dalagang Inglisera.

Tulong, tulong!
Ang pinakamalakas mo na sigaw na aking narinig
Sabay bulong sa tenga ko --sa kamatayan huwag padadaig!
Heto na't ibunulong mo nga ang iyong matamis na pangalan
Pangalang katumbas ng "Paraiso at Kaligayahan".

====================================
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @jerrybanfield, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

======================================
Much love, God bless!

Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of motivation and inspiration.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Grabe sya ohh, asan ang name???, kalabaw🤣🤣🤣.
Hakot award ba toh, titiklop ang mga nauna n nagsubmit!!!

hehehe.. naku d pa yan entry ko @essan-san.. hahaha...!
mystery ang name yan n ang hint : Paraiso at Kaligayahan

Oo late narealized lang, heheh
Pwede nmn hakot award sa poetry and hugot contest. Ang saya nun🤩🤩🤩

hehehehe...gawa pa ako ng mas malalim na #hugot para dun sa contest....
baka bukas mabuo ko na..

ikaw nga dyan lalim din ng hugot mo @essan-san . keep it up po.... :)

Eba?! 😅

hahaha..malapit naahhhh! @arrliinn

I assume nabuhay ka kasi nagawa mo pa ung tula haha. Buti na lang malakas sumigaw so dalagang inglisera. 😆

hehehe... oho nabuhay nga..bumulong kasi siya na lumaban sa kamatayan..hahaha..

gusto ko sana gawing tragic pero naawa ako sa sarili ko.