Hugot Poem: ONSE

in poetry •  7 years ago 

Hi everyone specially sa mga Pinoy here in steemit. This is my first poem here in steemit, pero nashare ko na to sa mga Forum sites na nasalihan ko.

Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang isang tula. Ito ay nagawa ko para sa ex ko. Ito yung masasabi kong isa s mga best poem na nagawa ko kasi galing tlga sa sa puso.

ONSE - Importante sa akin ang petsang iyan dahil yan ang monthsary namin. Sa petsang yan kami nagsimula, naging masaya, gumala, tumambay, nagkatampuhan, nagkabati, nangarap.... Pero sa petsang yan din nya ako iniwan... :(

Pero sa paglipas ng mga araw, napagtanto nya na mali ang desisyon nya na iwanan ako. Kada ikaOnse, nagpaparamdam sya, umaasang makabalik. Pero ang pusong nasaktan ay natuto na, at nasa tulang ito ang isinagot ko sa kanya.

Sana magustuhan nyo.

ONSE

Ang petsa kung kelan ating relasyon ay sinimulan
Dahil sa araw na iyon tayong dalawa ay nagsumpaan
Kahit marami ang tutol sa ating pagmamahalan
Pag-ibig sa isat isa ay ating ipaglalaban...

Ngunit sa araw na ito ika'y biglang nag-iba
Nawala na ang lambing, pati ang iyong sigla
Nakaramdam ako bigla ng kakaibang kaba
Na-Onse ba ako? Parang meron ka ng iba...

Di nga ako nagkamali, mga hinala ko ay tama
Inamin mo sa akin na may mahal ka ng iba
Ito'y nagdulot ng sobrang sakit sa puso kong tanga
Nagkulang ba ako? Minahal naman kita ng sobra...

At ngayon ika'y humihingi ng kalayaan
Nagsusumamo ako, "Pakiusap, hwag mo akong iwanan
Baka naman pwede pa natin itong pagusapan
Wala na bang halaga sa'yo ang ating mga pinagsamahan?"

Ika'y umalis pa rin, iniwan mo ako
Wala akong nagawa kundi ang humabol sa'yo
Pero lumayo ka pa rin, ayaw mo na talaga
Kahit masakit sa akin, papalayain na kita...

Ang dating petsa na tayo'y masaya
Ngayon ay ipinagdiriwang ko na lang nang mag-isa
Kasama ko ang mga iniwan mong alaala
Habang ikaw ay masaya sa piling ng iba...

Sa paglipas ng mga araw, pinilit kong maging masaya
Tanggap ko na, ikaw at ako ay isa na lang alaala
Ang pusong sugatan ay unti unting umasa
Ito'y muling sasaya kahit wala ka na...

Ako'y namuhay nang malayo sa piling mo
Minahal ko muna ang abang sarili ko
Hinayaan kong mghilom ang sugatang puso
Pagkataong nasira ay muli kong binuo...

Ngayon ika'y muling nagbabalik, umaasang patawarin
Nagsusumamong muli ika'y aking mahalin
"Sana ika'y muling maging akin"
Yan ang sa akin ay iyong hiling...

Kahit mahal kita ayoko nang magpakatanga
Di ko na hahayaang akoy muling masaktan pa
Masaya na ako kahit wala ka na
Nasanay na ako sa aking pagiisa...

Kung totoong mahal mo ko, sana di mo ako iniwan
At binalewala lahat ng ating mga pinagsamahan
Sana ika'y natuto na, ito ay iyong tandaan
Di lahat ng iyong iniwan ay pwede mo pang balikan...

Hope you like it.

For those who dont understand Filipino/Tagalog, Onse is a spanish word for number 11, here in Phils, it is used as an idiom word when you were deceived, betrayed, scammed... somethinng like that.. :D

Ikaw, naONSE ka na din ba?

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @purple143! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Thank you :)

Congratulations @purple143! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got a First Reply

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!