Father's Day Poetry | Simpleng Tula Para Sa Pinakamamahal kong Ama | Dedication

in poetry •  7 years ago  (edited)

Simpleng Tula Para Sa Pinakamamahal kong Ama

(Araw Ng Mga Ama)

by: Rejie Zones


Laki sa hirap, hindi nakapagtapos at napabayaan ng magulang
Ganyan ang buhay na minsan niyang kinagisnan
Ganun pa man, ni minsa'y hindi niya ipinaranas
Sa kanyang pamilya ang buhay na minsan niyang dinanas

Nagsikap magtrabaho maibigay lang ang aming pangangailangan
Tiniis ang mapalayo at nagsakripisyo dahil 'yon ang kinakailangan
Araw-araw dinarasal kong sana'y hindi nalang tayo naging ganito
Distansya'y nakapagitan at telepono lang ang laging nakakausap ko

Alam ko sa sarili kong wala tayong magagawa kundi ang magtiis
Kasi 'ika mo nga... " Hindi ka aasenso kung hindi ka marunong magtiis "
Lagi mong sinasabi... " Hindi solusyon ang paghihiganti 'pag ika'y sinaktan "
Minsa'y sinasabi mo pang... " Hindi kaduwagan ang hindi pagsang-ayon sa laban "

Hindi lingid sa kaalaman kong lumaki kang napapariwala ang landas
Kaya alam kong ang mga sinasabi mo'y nakabase sa karanasan
Aming ama, sayo kami natutong laging maging matatag
Na sa bawat hamon ng buhay lagi kaming magpakatatag

Alam ko sa sarili kong hindi mo sinasabing nahihirapan ka
Kasi ayaw mong ipakita't ipadamang pagod na pagod ka na
Pilit mong kinakaya kahit alam mong nagkakasakit ka pa
Kahit anung klaseng marangal na trabaho, pinapasok mo pa

Hindi ko itatanggi, minsa'y hindi kami naging mabuting mga anak
Pero kahit ganun pama'y mahigpit mo parin kaming niyayakap
Sa tuwing kami'y nagkakamali, hindi mo kami kinukunsente
Patawad kung minsa'y mga pangaral mo'y hindi namin iniintindi

Mahal kong ama, lumaki man kami na wala ka lagi sa aming piling
Pinapakita't pinapadama mo namang lagi mo kaming kapiling
Hindi alintana ang bawat pagsubok na dinadaanan sa araw-araw
Kayod lang ng kayod, mula pagsikat hanggang sa paglubog ng araw

Nagpapasalamat ako dahil ikaw ang aking naging ama
Ipagmamalaki kita saanmang dako ng mundo ako mapunta
Oh aking ama, kailanma'y hinding hindi kita ikakahiya
Isa kang dakilang may takot sa Diyos at nagbibigay saya

Ikaw ay instrumento ng Diyos upang maging aming gabay
Sa pagtahak ng daan patungo sa kanya-kanya naming tagumpay
Salamat Makapangyarihang Ama sa binigay mong haligi ng aming tahanan
Sana'y hindi siya magbago't patuloy mo siyang gabayan at wag pabayaan.

Thank you for visiting and reading. I hope you have been entertained ^_^

This is @rejzons, always reminding...

LIVE LIFE TO THE FULLEST. DON'T MISS EVERY OPPORTUNITY THAT WILL COME ON YOUR WAY !

'til next time ^_^ Best regards :) Happy Steeming!!!

Yours Truly,

by @rejzons

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @rejzons! You have received a personal award!

1 Year on Steemit
Click on the badge to view your Board of Honor.

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard and the Veterans on Steemit - The First Community Badge.

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @rejzons! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!