ANG ARAW AT ANG BUWAN | Original Poetry

in poetry •  7 years ago 

images.jpg

Poetry #12
Ang araw at ang buwan

Dumidilim nanaman, nag tatago nanaman ang araw.. Hanggang kelan ka ba sa panaginip ko dadalaw?
Heto na ang buwan naghahari na sa kalangitan.. Di parin maamin tunay na nararamdaman..
Bakit ganito? Bakit isip ko dahil sayo nagugulo? Nagtatalo na tuloy tong isip ko't puso.. Maging sila hindi mag kasundo, pati sila nababalot ng pagkalito..

Tutulo na ang luha, kaya pilit akong tumingala.. Sa langit, kung saan naroon ang mga bituin.. Sa langit, baka maliwanagan tunay kong damdamin..
Buong gabi akong di mapakali, nakalarawang ngiti mo sa isip ko ako'y kinikiliti... Ako nanama'y nangingiti.. Naalala nanaman kita.. Nasasabik na muli kang makita..

Di ko na maintindihan, daig mo pa pinakamahirap na tanong sa exam..
Iniisip kita.. Ako'y iniisip mo din kaya? Gusto ko ng huminto, buksan itong pinto, palabas dito, sa magulo mong mundo..
Ayokong sumugal, ayokong pumusta.. Natatakot ako na baka sa huli.. Ako ay masawi.. Natatakot akong tuluyang mahulog sayo, baka sa pagbagsak ko walang sumalo.. Madudurog ako, masusugatan at magdurugo..

Minsan ninanais ko ng kamay mo'y hawakan, angkinin ka't di ka hahayaang lumisan.. Subalit hindi iyon ang katotohan.. Sa kaunaunahang dahilan.. Di nga pala tayo pareha ng nararamdaman.. Tagahanga mo nga lang pala ko.. Di nga pala ako ang the one sayong puso.. Kaya wag nalang.. Pagkat ang maging akin kay hanggang panaginip lang..

Hanggang kelan kita isusulat? Hanggang kelan sa papel ngalan mo'y ilalapat?
Naubos na ata lahat ng salita.. Tayong dalawa sa huli di ko parin makita..
Napapagod na ko.. Sa pagbuo ng kwento..
Napapagod na ko sa paulit ulit mong pagtakbo sa isip ko ..
Napapagod na ako, pero ayokong mag pahinga.. Nais ko pang masdan pano ka maging masaya.. Kahit madurog ako.. Kahit mapulbos ako.. Dito lang ako, magaabang sa bawat pag ngiti mo.. Marahil sating dalawa hindi pa tama ang oras.. Marahil hindi pa dapat magtuos ating landas.. O marahil hindi talaga tugma.. Na ang araw at ang buwan ay mag sabay sa paglabas sa kalangitan. Aray!

Thanks for reading!

FB_IMG_1520019944911.jpg

Please follow me on facebook...

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!