TULA (POETRY #21): DITO TAYO NAGING TAYO

in poetry •  6 years ago  (edited)

"DITO TAYO NAGING TAYO"
orihinal na likha ni @tinkerrose

pinagmulan

Tayo ay namulat sa kanya kanyang mga kaugalian,
Ibat ibang uri ng pagdidisiplina ating naranasan,
Mga magagandang kultura ay ating nakagisnan,
Nahubog buong pagkatao doon sa ating tahanan.

Iba iba man ang ating mga pananaw sa buhay,
Pagtuklas ng mga pangyayaring puno ng kulay,
Paggalang sa mga matatanda binibigyang saysay,
Pagbibigay halaga kahit sa maliit at importanteng bagay.

Panahon ng kamusmusan, Saksi bawat parte ng tahanan,
Hindi mabilang ang nalibot hanggang sa kasulok sulokan,
Gumapang, umakyat ng walang sawa sa hagdanan,
Mga ngiting Hindi mababayaran ni kahit ano pa man.

May pintura o wala ika'y aking uuwian,
Ang pagkakawang gawa sa kapwa dito ko natutunan,
Umaga hanggang gabi mga pangaral,hindi mo pagsasawaan,
Tinuruan paano makibagay dito sa mapaglarong lipunan.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ты из Тулы?

wowww , ganda nmn hehe . mas gumagaling kpa ahh .

Salamat sayo. :)

walang anuman :)

Talagang number one fan kita, sa mga ganito. Heheheh

syempre naman hehe

Mas magaling ka sa akin