TULA (POETRY #22) HANGGANG SAAN?

in poetry •  6 years ago 

HANGGANG SAAN?


pinagmulan

Ikaw? Ano sayo ang kahulugan ng pakikisama?
Ito ba ay ipinamimigay? O ito'y ipinapakita?
Ito ba ay ipinapakiusap? O ito'y ipinapadama?
Hanggang saan kaya ang pakikisalamuha?

Ito ba ay may kaakibat na pagrespeto sa kapwa,
Ang pagiging mahinahon at mapagkumbaba,
Kahit tinatapakan mga sariling pagpapasya,
Magbingi bingihan nalang, ni isang salita wala.

May katuturan ba ang lahat ng ito?
Na ang sarili ay pinaparusahan ng ganito?
Mali ba ang pagsumbat? Maituturing ba itong walang modo?
Sa taong Hindi nga kilala ano ang pagrespeto.

Nakasilid itong nag aalab at galit na damdamin,
Ang masasakit na panghuhusga, kailan babawiin?
Manahimik? Dahil sa Diyos tayo'y pagpalain?
Para sa inyo? Ito ba ang mabuting gawin?

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

ouch , huhu tama , minsan nmn kasi kailangan nating manumbat ng sila'y mamulat dahil hindi naman pweding ikaw at ikaw lng nagmamaganda habang sila di man lang makaganti ng ni maliit na respeto o pagmamaganda .

Ganda ng peace mo ahh !

Oo tama ka @absinkaren, may panahon na mapopono ang isang tao. Salamat