Kung Mamamatay Ka Ngayon ⏰ | A Filipino Poem on Salvation

in poetry •  6 years ago 

Kung mamatay ka ngayon, alam mo na ba
Kung saan pupunta ang iyong kaluluwa?
Maaari mong masabi, "Di natin matitiyak 'yan."
Pero sasabihin ko sa'yo pwede na habang buhay ka pa.


Image from iStock

Kilala mo ba si Jesus na namatay doon sa krus?
Namatay Siya doon para ATING kasalana'y mabayaran
Dahil minahal Niya ang mga makasalanan--ako, ikaw, at lahat ng tao
Para hindi na tayo ang mapunta sa impyerno.

Siya na ang nagbayad para sa ating kasalanan
Dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.
Ngayon inaalok Niya sa'yo ang walang hanggang buhay
Na regalo--libre, walang bayad--at hindi sa'yo maagaw.


Image from Redeeming The Time

Dahil ito'y libre, hindi na kailangan bayaran
Sa pagiging mabait, paggawa ng mabuti o pagsisimba lagi.
Ito'y mga paraan para ipakita na mahal natin Siya
Pagkatapos natin tanggapin ang walang hanggang buhay na inaalok Niya.

Madali lang naman tanggapin ang regalo--
Tanggapin si Jesus ng totoo sa iyong puso.
Paalala: hindi relihiyon kundi relasyon ang tatanggapin mo.
Ito'y si Jesus, na kapag tinanggap ay mula sa impyerno ay Tagapagligtas mo.


Image from Patheos

Tatlong paraan, kaibigan, para mangyari ito:
Aminin mo na ikaw ay makasalanan,
Humingi ng tawad--magsisi sa mga kasalanan mo,
At tanggapin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas mo.

Sa sandaling ginawa mo iyan sa pakikipag-usap sa Kanya sa panalangin,
Sa'yo na 'yan panghabangbuhay at hindi na mawawala
Dahil ikaw na ay anak ng Diyos
Walang makaka-agaw sa'yo dahil hawak ka na Niya sa kamay Niya.

⏰ ⏰ ⏰ ⏰ ⏰

Magandang araw! Pinost ko ang tulang ito dito dahil gusto ko ibahagi ang kaligtasan (salvation) na natanggap ko, na napili kong ibahagi sa paraan ng isang tula.

Kung may mga makakabasa nito na hindi naniniwala dito, ginagalang ko naman ang inyong paniniwala.

Salamat sa pagbabasa ng tulang ito!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nice one.