O, Kay Init Ngayon Sa Pilipinas | A Filipino Poem

in poetry •  7 years ago 

29793850_1844951768872852_2046625506513649664_n.jpg

O ang init ng panahon sa Pilipinas
Lalo na kung sa katanghalian ikaw ay nasa labas
Nang walang payong, sumbrero, puno, o bubong sa ibabaw mo
Ingat ka at baka uminit din ang ulo mo.

Kung sa daan pa ay naabutan ng bigat ng daloy ng trapiko,
Tila walang hanging dadampi sa balat ng mukha mo.
Kung sa aircon bus sumakay at nalamigan kahit papaano,
Ingat sa paglabas, init at baka balisawsaw ang sumalubong sa’yo.

Pero huwag mag-alala, karamiha’y bakasyon na.
Makakaligo na sa pool, ilog, talon, o dagat; magbabad na!
Samahan pa ng pagkain ng saging con yelo o halo-halo,
Iba-iba man minsan ang timpla, siguradon palamig pa din ito.
















May iba naman na tulad namin na may pasok pa sa paaralan
Nausog ang kalendaryo sa pagsimula ng pasukan
Kung hindi makasama sa paggala o ligo ay pagpasensiyahan
Magbabakasyon din kami pagkatapos, mahuhuli lang naman.

Sa iba na nagtitipid o nasa panahon ng pag-iipon,
Paandarin ang electric fan and baso ng iced tea ang solusyon
Ilang buwan lang naman dadating ang pinakamatinding init sa taon
Diskartehan natin ang pagtawin sa init ng panahon.


Ang tulang ito ay isinulat sa kalagitnaan ng anim (6) na oras na byahe pauwi sa amin kung saan sinalubong pa ako ng mabigat na daloy ng trapiko dahil sa mga ginagawang kalsada.

Ang unang larawan ay kuha ng nagsulat ng tulang ito.

Ingat sa matinding init! Salamat sa pagbabasa! :)

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Napakainit na nga ng panahon dito sa ating bayan. Nagkakaroon na nga ng epidemyang sakit dahil sa sobrang init. :-( Pagkatapos na naman nito ay ang isang matinding ulan na nagdudulot ng baha. Ngunit, ang lahat ng ito'y hindi nagiging sagabal sa ating mga Pilipinong maging masaya, magmahal at magpatuloy sa buhay.

Ang iyong tula ay nagpapakita ng reyalidad sa ating klima at geograpikal na sitwasyon @zareceerine. Nagagalak akong mabasa ang iyong akda.

Maraming salamat! Ipagpatuloy mo ang iyong pagiging inspirasyon!

Totoo nga ang sinabi mo. Nakakahanap pa din tayo ng paraan para maging masaya at makatawid sa mga stiwasyong tulad ng ganito.

Salamat sa pagbabasa, @morken! :)

Sinabi ng lahat ni @morken kaya ang aking masasabi nalang

nice post! upvoted and resteemed! 😆 😆

Salamat po, @tagalogtrail! :)

Bakit hindi kasama ang mais con yelo sa tula 😢 paborito ko pa naman ang mais con yelo, kasi ang halo-halo sa amin walang leche flan at ube. Halo-halong ewan lang.


Pero gayumpaman nagustuhan ko ang iyong tula hehe masaya akong naka kita ng ganitong tema, ang isipin nyo nalang habang kayo ay nagbabakasyon sa mga susunod na buwan kami naman nasa "Hell Week" na agad sa mga exams.

Naku, tapos na po 'yung tula nung maisip ko 'yung mais con yelo. 😥Minsan po 'yung ibang halo-halo, basta masabing may halo-halo lang. Hahaha.

Ohh, kayo din po? Kami din po ay may pasok pa. Isang buwan pa po ang ilalaban sa exams and requirements. 😮

Oo nako imbis na maginhawahan ka, ma bi beast mode ka pa. Tapos pag tinanong mo kung asan ang leche plan sasabihin nadurog ko na daw. Ang sakit bes wala akong natikman na ganun. Mas marami pa ang saging, sagot at gulaman.

Mainit na nga po ang panahon, magiging mainit pa ata ang ulo nila. Hahaha. nangyayari po 'yaaan. Huhu
Meron din po na iniiba-iba lang ang kulay ng gulaman para mukhang maraming sahog dahil napakaraming kulay. :)

Ramdam kita dyan!

mainit na nga.. magandang tula at may kasamang halo-halo pa. salamat sa pagbahagi kabayang @zareceerine

Opo, pampalamig po ng saglit. Salamat po sa pagbasa, Kabayang @fherdz! :)

pampalamig sa ulo hahaha lao na kung nasa kalagitnaan ka ng traffic..