Hindi lingid sa ating kaalaman na marami sa ating mga kababayan ang nagtatrabaho sa ibang o sa malayo na lugar,mga babae o lalaki. Kadalasan sa kanila ay may asawa o kasintahan, napakahirap ang ganitong sitwasyon dahil sa napakalayo ang bawat isa. Maraming tukso ang nagkalat sa paligid natin kaya may mga mag asaw na nagkahiwalay nang dahil sa ganitong sitwasyon.
Kaya ang malaking naaapektuhan ay ang mga anak na walang kamalaymalay sa ganitong sitwasyon,kaya kahit na tayoy malayo sa isat isat kailangan palaging mananatili ang pagmamamahalan, iisipin nating lagi na kaya nagpunta sa malayong lugar ang ating mga Mahal sa buhay para na rin sa pamilya na nangangailangan. Dahil sa sobrang hirap hirap ng buhay ay kailangan gawin nating ang lahat para sa ikabubuti ng ating pamilya.
Kahit na malayo ang dalawang taong nagmamahalan dapat Hindi mawala ang komunikasyon ng bawat isa dahil ito ang pangunahing sandata ng malayo ang mga nagmamahalan. Ugaliing nagkakausap lagi kahit na malayo ang bawat isa upang makamtam ang katahimikan at mananatili ang pagmamamahalan,at kahit na malayo ang bawat isa kung palagi naman may kumunikasyon maiisip ng bawat isa na Hindi hadlang ang layo para sa kanilang pagmamahalan, at ugaliing magdasal palagi na gabayan ang bawat isa upang makakaiwas sa kahit anumang kapahamakan dito sa mundong ating ginagalawan dahil alam nating lahat na ang ating Mundo ay sobrang makasalanan,at lagi tayong may pagtitiwala sa ating puso para sa ating Mahal sa buhay dahil ang unang makakasira sa pagmamamahalan kung wala ng tiwala lalo nga dahil malayo ang bawat isa, at palagi rin may pang uunawa ang bawat isa dahil itoy napakahalaga sa ganitong sitwasyon ng ating buhay dahil Hindi maiintindihan ng bawat isa kung walang pang uunawa, at kaya palaging magdasal na na kahit malayo ang isat isat ay mananatiling matatag sa kanilang relasyon kahit na sila ay malayo sa bawat isa.
Manalangin na huwag matukso ang bawat isa dahil alam nating lahat na nagkalat ang kasamaan dito sa mundo at kailangang magapakatatag tayo kahit malayo ang bawat isa sa atin upang mananatili ang pagmamamahalan kahit na malayo sa bawat isa Hindi hadlang ang malayong nagmamahalan bastat may tiwala at pagmamahal ang bawat isa.
Amen, sissy...kumusta ka naman? Di na kita nakikita sa tabi ;) Hugs!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit