Splinterlands Play to Earn Introduction – In Filipino

in splinterlands •  4 years ago 



What is Splinterlands?

Splinterlands

Ang Splinterlands ay isa sa mga Play to earn na fantasy themed card game na similar sa “Magic the Gathering” saka “Heartstone” kung san nag co -collect tayo ng cards na may ibat ibang stats saka abilities.

Splinterlands CardSplinterlands Card

Yung mga cards na ito yung mga pang battle natin sa ranked games kung san mag e-earn tayo ng DEC na pwedeng i convert sa HIVE na crypto na syempre pwedeng I Convert sa cash.

Ma che check nyo yung value ng HIVE na crypto sa mga exchanges tulad ng Binance

HIVE crypto currency market price

HIVE crypto currency

Pwede rin natin i pang battlle yung mga cards natin sa mga events kung saan pwede kang manalo from $1 hangang $1000 sa mga events depende sa galing ng strategy mo sa pag position ng cards sa battle at lakas ng stats ng cards mo.

Yung mga mabibili mong cards at nakukuha mong free cards ay pwede mong i list for sale or ipa hiram sa iba sa mismong website ng Splinterlands.

Cornealus Splinterlands cardCornealus Splinterlands card

May option ka din na pwede mong i convert sa DEC ang iyong mga cards.

Pwede mong tyempuhan sa market kung anong panahon mo ibebenta ang card mo dahil may mga card na tumataas ang presyo habang tumatagal ang panahon.

 Cornealus Splinterlands Card PriceCornealus Splinterlands Card Price

How to get Splinterlands Card?

Yung mga cards pwede syang mabili at pwede mo din sya makuha sa pag achieve ng quest everyday at pwede din syang makuha as end of season reward (every 15 days)

Splinterlands Season RewardsSplinterlands Quest Rewards

Pwede mo din syang mabili sa Market Place ng Splinterlands. Yung mga cards may mga mura at mahal din, ang pinakamura na mabibili mo ay from ₱2 at yung mga mahal uma abot ng ₱40,000 pataas.

$0.035 =  ₱1.70

$4,000 =  ₱194,003.04

Yung mga cards nato nag iiba iba ng price so pwedeng yung nabili mo ng mura eh biglang tataas ang presyo after ilang months

Pero pwede mo lang magawa ito kung bibilhin mo ang spell book, pwede kapadin naman mag laro ng free, pero hindi ka mag e earn ng DEC na pwedeng ipalit sa HIVE at i convert sa pesos.

Sa ngayon kung medyo naisip mo na, Ay! may bayad pala, pwede ka naman muna mag practice, at kung tingin mo magiging magaling ka dito at kaya mong talunin yung mga kalaban sa mga battle events kung saan ka mananalo ng hangang worth $1000 eh saka ka bumili ng Spellbook

How much is Splinterlands Spellbook?

Ang totoo, affordable yung spellbook, nasa $10 lang sya which is equivalent to ₱485 o baka mas mababa pa depende sa rate ng dollar sa araw ng pag bili mo.

at may bonus pa ito sa pag kaka alala ko if gagamit ka ng ref link, may tyansa na may freebie ka mula sa kanila.



Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Loading...